Mister Inahas ng BFF ni Misis

Dear Vanezza,

First time kong uuwi ng ‘Pinas na hindi kasama ang mister ko. Time raw yun para maghakot siya ng gamit niya. Dahil balak niyang pagbalik namin sa New York ay mag-file na siya ng divorce. Ang babae niya ay kapitbahay namin sa Las Piñas na itinuring ko pa naman na BFF pero ahas pala. Gusto ko sanang kausapin ang babae, pero nagbanta ang asawa ko na kukunin ang anak namin kapag ginawa ko ito. Mali ba ako na pakiusapan ang babae niya? Mrs. Tauirus

Dear Mrs. Tauirus,

Karapatan mo na ipaglaban ang mister mo para maisalba ang marriage ninyo. May due process bago niya makuha ang anak ninyo na malakas ang laban mo, lalo na kung nasa U.S. ka. Walang mawawala kung susubukan mo para malaman kung dapat mo pang ipaglaban ang asawa mo.

Sumasainyo,

Vanezza

 

Show comments