Habit Habang Nagkakaedad

Ang exercise, diet, at kahit ang attidute ay kasama sa importanteng genetic habang nagkakaedad gracefully. Kapag sinabing old age  hindi ibig sabihin ay pagkulubot lang mukha. Totoo na naapektuhan at nagbabago ang katawan pati na ang buhok, balat, muscles, at iba pang factor. Pero hindi ibig sabihin ay hindi na kailangan magkaroon ng magandang habit sa buhay.

Maaari pa rin magkaroon ng positibong attitude habang nadadagdagan ang taon.  Katulad ng sinasabi nilang “you are what you think.” Ganito rin ang dapat isipin sa pagtanda. Kapag sinabing  senior citizen ibig sabihin ay mayroon nang wisdom at pagkakaroon ng kuntento sa buhay. Sa halip na mag-isip ng mga bitterness, walang silbi, at hindi nakatutulong.

Kundi laging mag-isip ng magandang bagay kaya habang may panahon at oras pa ay gawin ang gusto sa buhay. Hindi rin komo magreretiro na ay expire na rin ang pangarap. Maraming tao na nagsisimula ang buhay sa edad na 60 years old kung saan libre na siyang gawin ang hilig, pamamasyal, o pangarap sa buhay.

Show comments