Engagement Ring Mahigit Isang Taong Suot sa Leeg

Grabe na ‘to!

Hindi madali ang mag-isip para masorpresa ang iyong dyowa sa alok na kasal. Pero ang isang craftsman mula sa Australia ay nakapag-isip ng isang magandang ideya. Ibang level ang ginawa ni Terry (ipinatago ang apelyido) kung saan itinago niya ang diamond ring sa wooden necklace na ginawa niya para sa kanyang girlfriend.

Walang kamalay-malay ang girlfriend niyang si Anna na ang ibinigay ni Terry na wooden necklace ay naglalaman ng diamond ring sa loob nito. Ang nasabing wooden necklace ay bigay ni Terry bilang anniversary gift nila bilang magdyowa noong 2015. Nasa early thirties na ang dalawa at nag-spend pa ng isa’t kalahating taon bago nagdesisyon si Terry na mag-propose sa girlfriend nito. Pagkatapos buksan ni Terry ang kuwintas at magtanong, laking gulat ni Anna at nagsabi ng “yes” kasunod ang “But I could have lost it, you f***ing idiot!”

Araw-araw na isinusuot ni Anna ang kuwintas na mukhang walang halaga dahil gawa lang ito sa Tasmanian pine wood at maraming tsansa nga naman niyang mawala ito o madiskubre.

Show comments