^

Para Malibang

Anak Ayaw Paligawan ni Tatay

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

 

Limang taon nang biyudo si tatay at hindi na nag-asawang muli. Ito ang lagi niyang katuwiran sa akin tuwing may nanliligaw na huwag ko raw sasagutin. Kung siya raw ay nakatiis na di na mag-asawa ay dapat ganun din daw ako.  Kahit nakatapos na akong mag-aral at ngayon ay may magandang trabaho, pero ayaw pa rin akong paligawan ng aking tatay. Gusto ata niyang maging matandang dalaga ako. Kulang na lang pumasok ako sa kumbento. Kasalanan ko ba kung ayaw na niyang mag-asawa? Paano naman ako? Mayroon akong kaopisina na gustong umakyat ng ligaw kahit pa matunog na trenta na ako. Kinikilig ako kapag sinasabi niyang handa niyang saluhin ang itak ng tatang ko. Pero natatakot ako na malungkot si tatay kapag may dumalaw sa akin tulad nang minsang may nagtangkang gawin ito sa akin noon. Pero paano na ang sarili kong happiness? – Mae

Dear Mae,

Bakit hindi mo subukan na padalawin ang manliligaw mo? Tutal ay nasa hustong gulang ka na para magdesisyon. Tiyak natatakot lang ang tatay mo na iwanan mo siya at ayaw niyang mag-isa sa buhay. Siguraduhin mo ang kalooban ng iyong tatay na kahit magkaroon ka ng nobyo o asawa ay hindi mo siya iiwanan. Dapat maliwanag din sa iyong manliligaw ang iyong sitwasyon. Sa ganun ay makilala rin ng iyong tatay ang tunay na intensiyon ng lalaki sa nag-iisa niyang anak sa buhay.

Sumasainyo,

Vanezza

vuukle comment

DEAR VANEZZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with