Bangkay ng Babae Natagpuan Makalipas ang Tatlong Taon
Grabe na ‘to!
Isang kalansay ang bumulaga sa mga tauhan ng north London housing association nang kukunin na nila ang paupahang matagal nang hindi nababayaran. Bumulagta nga sa kanila ang kalansay ni Joyce Vincent sa sofa at nakabukas pa rin ang telebisyon nito. Tambak din ng hugasin ang kanyang lababo at maraming regalo ang nagkalat sa sahig.
Pinaniniwalaang tatlong taon nang patay si Joyce bago nadiskubre.
Dahil sa naaagnas na ang bangkay nito ay hindi na malaman ang pagkakakilanlan nito. Ang pinagbasehan na lamang ng mga awtoridad para siya makilala ay ang record album nito na may holiday photo kung saan siya makikitang nakangiti. Hindi rin nalaman ang sanhi ng kanyang pagkamatay dahil nga sa decomposition state ng bangkay, pero pinaniniwalaang natural ito.
Kasama si Joyce sa maraming influential members ng 80s at 90s pop music scene sa London.
- Latest