Mababa ang Sexual Desire ng mga Babae

Ang malaking sexual problem ng mga babae ay sanhi ng kombinasyon ng mental at physical factors na hindi naaayos ng pag-inom ng gamot.

Kapag bumaba ang libido ng babae at nawawalan ng interes sa sex, kinokonsidera itong malaking problema.

Ang babaeng sobrang mababa ang libido ay sinasabing may female sexual dysfunction na tinatawag na hypoactive sexual desire disorder (HSDD).

Kapag nagkakaedad ang mga babae, natural lang na bumaba ang kaniklang interes sa sex dahil sa mga sumusunod na dahilan.

Relationship issues – Problema sa partner pagda­ting sa performance sa sex, emotional satisfaction sa relationship, pagkakaroon ng anak, o kaya pag-aalaga ng kapamilyang may sakit.

Sociocultural influences. Job stress, peer pressure, at mga nakikita, nababasa, o napapanood na may negatibong impluwensiya sa sexual desire.

Mababang testosterone - Nakaaapekto ang testosterone sa sexual drive sa babae at lalaki. Napi-peak ang testosterone level ng mga babae sa 20s at bumababa na ito ng mabilis pag nagmenopause.

Karamdaman - Ang depression o karamdaman tulad ng endometriosis, fibroids, at thyroid disorders ay may  malaking epekto sa mga babae mentally at physically.

Gamot – May mga gamot na  antidepressants, gamot sa blood pressure, at  oral contraceptives ang nagpapababa ng sexual drive.

Dahil dito, dumarating talaga ang panahon na manlalamig ang sex life. Ngunit sa tunay na pagmamahalan, malalampasan ito.

Show comments