^

Para Malibang

Stigma ng kalusugang pangkaisipan

Pang-masa

Ang kalusugang pangkaisipan (mental health) ay abilidad na makapagsaya o magdesisyon sa buhay at malampasan ang mga pasanin ng pang-araw-araw na pamumuhay. Pero ang nakalulungkot marami pa rin ang takot na pag-usapan ang mental health problem. Para sa marami ang kalusugang pangkaisipan ay hindi dapat  pinag-uusapan lalo na ang sakit patungkol dito.

Makabubuti kung magiging bukas ang tao at nang mabasag ang maling haka-haka sa stereotypes na pagkakaalam tungkol sa mental health upang mapabuti rin ang relasyon sa mga kasama, mabigyan ng tamang suporta at maitama ang maling pananaw pagdating sa mental health.  Mahalaga na magkaroon ng sapat na ideya sa kalusugang pangkaisipan (mental health) tulad ng pagbibigay pagpapahalaga sa sarili at pagkamaalam sa sarili; diet at ehersisyo; relasyon sa pamilya, kaibigan; usaping  pananalapi; pagiging aktibo sa komunidad; paano pinamamahalaan ang stress; at paano ipinahihiwatig ang nararamdaman. Nakararanas man sa panahon kung kailan tayo ay umaaksyong wala sa lugar ukol sa mga sitwasyon o nararamdaman ang kalungkutan o “matamlay”  o down. Ang isang taong mayroong mabuting kalusugang pangkaisipan (mental health) ay malalampasan ang mga panahong ito at mabilis na makasusulong.

Ang mabuting kalusugang pangkaisipan (mental health) ay mahalaga para sa prosesong pang-imigrasyon. Ang kahulugan nito ay makakayanan mong malampasan ang mga pagsubok nang nakabukod mula sa pamilya at mga kaibigan, pagkawala ng katatagang pampinansyal, pag-aaral ng isang bagong wika, at umangkop sa isang bagong kultura.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with