^

Para Malibang

Anti-Harassment Para sa Lahat

Pang-masa

Kung nakararanas ng sitwasyon na inaasar,  pang-iinis, binabagabag, paulit-ulit na ginugulo, at pag-uusig mula sa ibang tao - ito ay ilang halimbawa ng harassment.

Marami pang klase ng harassment tulad ng bullying at ibang aksyon:

Sexual Harassment – Ayon sa RA 7877 ang sapilitang paghingi, paghiling o pag-uutos at iba pa ng sekswal na pabor mula sa iba, ito man ay tanggapin/pagbigyan o hindi ng biktima, na nanggagaling sa employer, manager, supervisor, ahente ng employer, guro, instruktor, propesor, coach, tagapagsanay, o sinumang may kapangyarihan, impluwensiya, o moral na awtoridad sa iba sa loob ng trabaho o lugar ng pag-aaral o pagsasanay.

Psychological Harassment – Kapag pinapahiya ang isang tao na ikinababa ng self-esteem nito dahil sa pang-aapi na nagpapahirap sa isipan at kalooban ng biktima. Maaaring ginagawa ito sa kanya ng verbal comments, action, o gestures.

Racial Harassment – Tina-target ang isang indibidwal dahil sa kanyang race o ethnicity. Sa pamamagitan ng salita, gawa na tuwirang inaaapi dahil sa kanyang lahi o minsan sa kanyang kulay.

Religious Harassment – Puwedeng verbal, psychological, o physical na harassment laban sa isang relihiyon. Maaaring pinipilit ang usapang relihiyon sa ibang tao kahit ayaw nito.

Stalking – Unauthorized na pagsunod at surveillance sa isang tao. Hanggang pati ang panghihimasok sa privacy ng tao na nakararamdan na ng takot sa kanilang kaligtasan.

Hazing – Madalas itong nangyayari sa mga fraternity group sa pag-torture, pangha-harass, at pagtuligsa ng miyembro bilang binyag sa bagong kasapi.

Karamihan ang biktima ay nakararanas ng depresyon, mababa ang tingin sa sarili, at pagkapahiya. Bukod sa nasaktan ng pisikal, nagbibigay din ng pangamba sa isang tao ang maaaring susunod na pag-atake sa kanya at pagkukrus ng kanilang landas. Nagdudulot ito ng anxiety attack, nighmares, sakit ng ulo, at stomach ache. Ang biktima ng mga na-bully ay nagkakaroon ng suicidal thoughts hindi lang sa mga bata, kundi tumataas din ang rate ng depression sa mga nakatatanda sa pagiging biktima dahil sa harassment.

Mahigpit na pinapatupad hindi lang sa mga eskuwelahan ang anti-bullying policies, kundi maging ang awareness ng anti-harassment maging sa mga trabaho, opisina, at kompanya.

ALIGN

ANG

HARASSMENT

LEFT

MAAARING

PSYCHOLOGICAL HARASSMENT

QUOT

RACIAL HARASSMENT

RELIGIOUS HARASSMENT

SEXUAL HARASSMENT

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with