^

# ‘Nagging Mom’ Ka Ba?

(Pang-masa) - January 23, 2016 - 9:00am

10 Palatandaan na ikaw ay “certified” nagger:

1—Kapag nagpapalinawagan kayo ng iyong kausap, pinuputol mo kaagad ang kanyang pagsasalita para isingit mo ang iyong sasabihin.

2—Tuwing magpapangaral ka sa iyong asawa at mga anak, mapapansin mong nagi­ging habit na nila ang alinman sa sumusunod: tumitirik ang mata o umiikot ang mata, humihingasing, tumatalikod nang padabog.

3—Araw-araw mong sinasabihan ang iyong mga kapisan sa bahay (asawa, anak, maid, driver) ng dapat nilang gawin. Walang pahinga ang bibig sa kasasabi na dapat ay ganito, hindi dapat ganoon…blah..blah..blah.

4—Sa anak at asawa: Hindi nila ginagawa ang ipinagagawa mo dahil nagrerebelde na ang kanilang kalooban sa pagiging “mai­ngay” mo.

5—Kapag ginawa nila ang ipinag-uutos mo, hindi ka nagpapa­salamat. Nasa isip mo kasi…Dapat lang na sundin ninyo ako! Ang kakambal ng nagger ay pagiging dominante.

6—At dahil nga dominante ka, hindi ka marunong makiusap. Laging pautos ang tono ng iyong boses.

7—Kung kailan prenteng-prente sa panonood ng kanilang paboritong palabas ang iyong asawa o anak ay saka ka mag-uutos. O, kaya, saka susumpu­nging magtanong nang magtanong tungkol sa nagawang kasalanan ng anak. Kapag hindi ka pinansin, bigla mong papatayin ang TV.

8—Sa mga katulong: Hindi pa tapos ang unang ipinagagawa, sinasabi na ang ikalawa, ikatlo, etc.

9—Nahuhuli mo na ini-spoof o ginagawang katatawanan ng iyong anak sa ibang kapamil­ya ang iyong manne­risms kapag tinatalakan mo sila.

10—Majority ng mga anak mo ay aloof sa iyo. Maaaring inis o takot sila sa iyo.

ACIRC ANAK ANG ARAW DAPAT HINDI IYONG KAPAG LAGING MAAARING STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with