Guaranteed Investment
(Pang-masa) - December 29, 2015 - 9:00am

Isang lang ang guaranteed na puwedeng paglaanan ng investment sa buhay, walang iba kundi sa iyong sarili.

Kung mayroon man dapat unang pagka­ka­gastusan ng pera at oras…  sino pa ba kundi ang sarili. Madalas ang sarili rin ang hindi napapansin o “neg­lected” sa buhay.

Aminin na panay ang sakripisyo para lang sa iba, laging huling prio­rities ang mga bagay patungkol sa iyo.

Sa totoo lang, hindi naman pagiging selfish o makasarili kung mag-i-invest sa sarili. Sa katunayan magiging maunlad ang buhay kung uunahin ang sarili at higit na mas makatutulong sa miyembro ng pamilya kung ang unang concern ay ang iyong katayuan, estado, at kalusugan. Higit na mapaghahanda ang future kung uunahing mahalin at asikasuhin ang sarili.

Kapag pinahalagahan ang sarili huwag mag-alala dahil makikita agad ang “return of investment” sa mga pagbibigay importansiya sa sarili.

ACIRC AMININ ANG BUHAY HIGIT ISANG KAPAG KUNG MADALAS SARILI SHY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with