May Syota, pero walang ‘Marriage Proposal’

SINUSUWERTE KA! - Fortuna (Pang-masa) - December 7, 2015 - 9:00am

Pareho kayong financially at emotionally stable pero tila wala sa plano ni Boyfriend na magpakasal. Paano ka matutulungan ng Feng Shui upang ma-excite si Boyfriend na yayain kang magpakasal? Narito ang iba’t ibang paraan:

Ang Southwest ang universal corner of romance and marriage base sa Life Aspiration Theory. Sa madaling salita, kailangang palakasin ang Southwest sector upang “lumapit” sa iyo ang marriage luck.

Sa southwest ng iyong bedroom: Magdispley ng alinman sa mga sumunod: Pares na mandarin duck, double happiness symbol (tingnan ang larawan)  at mystic knot.

Sa southwest ng salas: Magdispley ng celestial dragon and phoenix o kaya ay magsabit ng crystal chandelier upang makamit ang love luck ng lahat ng nakatira sa bahay.

Sa southwest corner ng iyong garden: Kumuha ng malaking rock at ilagay sa Southwest corner ng iyong garden. Kabitan ng red ribbon ang malaking bato upang ma-activate ang positive energy na magdudulot ng wedding luck. Kung possible, mag-install ng bombilya na may dilaw na ilaw. Ito ang “magtutulak” upang makaranas ka ng marriage proposal mula sa isang lalaking tunay na nagmamahal sa iyo.

ANG ANG SOUTHWEST FENG SHUI ITO KABITAN KUMUHA LIFE ASPIRATION THEORY MAGDISPLEY NARITO PAANO PAREHO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with