Ang Maninirahan sa Abroad at Sisikat

Figure A: May ilang vertical lines na nakadikit sa dulo ng Life Line. Ang ibig sabihin nito ay magkakaroon ng trabaho o negosyo sa ibang bansa at doon na maninirahan nang permanente.

Figure B: Kapag nag-umpisa ang guhit ng Fateline sa Mount of Moon at nagtapos sa tapat ng middle finger: Ito ay senyales na ang isang tao ay magiging alinman sa mga sumusunod: 1) sisikat sa kanyang propesyon, 2) magiging sikat na public official, 3) may kinalaman sa pagkakawanggawa ang magiging trabaho kaya makikilala ang pangalan.

Show comments