^

Para Malibang

Takot ka bang malagasan ng buhok?

Pang-masa

Nagtataka ka ba kung bakit may buhok tayo sa ating ulo? Ang bahagi ng ating ulo ay parte lang ng ating katawan na walang taba o fats. Ang buhok sa ating ulo ay parang sumbrero na nagsisilbing pang-init sa ating bunbunan lalo na sa panahon ng taglamig. 

Ang buhok din natin ay elastic na kapag  nababasa ay nai-stretch hanggang 30% na hindi nasisira.

Ang buhok din natin sa ating ulo, ang pangalawang pinakamabilis na tumubo tissue sa ating katawan, una ang bone marrow. Huwag mag-alala kung nalalagas ang buhok dahil 20 times na tutubo uli ito, maliban lang sa mga lalaking nasa edad na kung saan sila  napapanot o nakakalbo na.

Karaniwan ang buhok sa ulo ng isang tao ay mayroong 100,000 hangang 150,000 strands, kaya huwag mag-alala kapag may isa o dalawang nalagas kapag ikaw ay nagsusuklay.

Hindi lang sa ulo tinutubuan tayo ng buhok, kundi sa lahat ng parte ng ating katawan. Bukod tanging ang parte ng ating talampakan, labi, talukap ng mata, at palad na wala tayong tumutubong buhok. Karaniwan ang isang tao ay may 5 milyon hair follicles sa ating buong katawan.

Matibay din ang ating buhok sa ulo na kayang suportahan ang 10 hanggang 12 na tonelada na katumbas ng dalawang elepante.

ANG

ATING

BUHOK

BUKOD

DIN

HUWAG

KARANIWAN

KATAWAN

MATIBAY

NAGTATAKA

ULO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with