100 greatest cooking tips (3)

13—Mas magiging masarap at kakaiba ang flavour ng iyong sinigang na baboy kung iiihaw muna ito bago gawing sinigang.

14—Kung gagawa ng sariling hamburger, mas masarap kung hahaluan mo ito ng bacon. May nabibiling bacon bits or bacon crumble sa supermarket na angkop na panghalo sa giniling na beef. Mga 200 grams na bacon bits sa bawat 500 grams na giniling na beef.

15—Para mas malasang fried chicken: Kumuha ng sapat na dami ng tubig para ma-cover lahat ng piraso ng chicken. Timplahan ang tubig ng 3 Kutsarang asin (magaspang) per kilo. Haluan ng 2 Kutsarang suka + 1 kutsaritang vetsin + 1 kutsaritang garlic powder. Haluin mabuti. Dito ibabad ang chicken cuts ng 3 oras (room temperature, may takip para di langawin) o magdamag (sa loob ng refrigerator). Ito ang sekreto para maging juicy ang fried chicken—nakababad sa tubig na may timpla.

Ilagay sa salaan para matanggal ang tubig. Sandaling patuyuin ang chicken. Ihanda ang instant chicken breading. Ito yung nabibili sa pouch pack. Dito pagulungin ang chicken saka iprito (deep fat frying) sa napakainit na mantika. (Itutuloy)

Show comments