^

Para Malibang

‘User’ ang boyfriend

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Jessa, 49. Hiwalay po ako sa aking mister ng dalawang taon. Ngayon po ay may bf ako pero pamilyado siya. Naniniwala naman ako sa sinasabi niyang hindi na sila okey ng misis niya. Kaya lang ang problema ko ay napakarami pala niyang karelasyon. Ilang beses ko na siya nahuli tungkol dito. Kailan lang ay nalaman kong nakipagkita siya sa kanyang online gf.  Kaya tuluyan na kong nakipagkalas sa kanya. Sinabi ko na lang sa kanya na hindi ko na siya mahal para tuluyan na kaming maghiwalay. Pero sa totoo lang nasasaktan ako kapag nalalaman ko na nakikipag-date siya sa iba. Magkasama kami sa iisang boar­ding house at magkatrabaho kami.  Ano ba ang dapat kong gawin para tuluyan na akong makawala sa lalaking ito? - Jessa

Dear Jessa,

Una mali naman talaga ang inyong relasyon dahil parehas na kayong may pananagutan. Pa­ngalawa kung gusto mo na talagang makipaghiwalay sa bf mo at natatalo ka lang ng iyong feelings, mas mabuti pa na umalis ka na sa boarding house na tinutuluyan mo ngayon. Kung makakaya mo na pati sa iyong trabaho at may mapapasukan ka namang iba, mas mabuting lumipat ka na lang din ng ibang trabaho. Huwag kang patalo sa iyong damdamin dahil isipin mo na lang na tila niloloko kayong lahat ng bf mo. Niloloko ka niya, niloloko niya rin ang iba niyang babae. Hindi makakatulong sa iyong pag-unlad ang lalaking ito. Ginagamit ka lang niya para sa kanyang pansariling kasiyahan.

Sumasaiyo,

Vanezza

ANO

DEAR JESSA

DEAR VANEZZA

GINAGAMIT

HIWALAY

JESSA

KAYA

LANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with