Ang babaing kinakain ang lahat (63)
TALES FROM THE OTHER SIDE (Pang-masa) - November 18, 2014 - 12:00am

BUKOD kay Greg, kinain din ni Tatiana ang dalawang tauhan nito. Bale tatlong alagad ng batas na ang nakakain ng babaing taga-ibang planeta, sa loob lamang ng isang oras.

Pero sa pagkakataong ito ay nasaksihan ng ibang pulis ang karumaldumal na krimen ng babaing kinakain ang lahat.

“Mahabaging Diyos, kinain niya nang buhay sina Carlos at Philip!”

“Nawawala si Boss Greg! Baka pati siya ay kinain ng babaing ‘yan!”

“Barilin na natin! Hindi dapat buhayin ‘yan! Napakamapanganib!”

Dinig ni Tatiana ang usapan ng mga pulis. Nabahala siya. Hindi pa nga niya tiyak kung siya’y tatablan ng bala.

Posibleng mamatay siya sa mundo ng tao, bagay na ayaw mangyari ng babaing alien.

“TWEEET!” malakas na sipol ni Tatiana, nakaisip ng pananggalang.

Saglit pa’y nagdagsaan sa presinto ang napakaraming bubuwit. Dadaluhan ng mga dagang ito si Tatiana.

Naulit ang pagkakagulo ng mga tao sa paligid, sa pagkakataong ito ay sa loob at labas ng  presinto.

Namaril ang mga alagad ng batas, ang tangka’y takutin ang mga bubuwit. BANG-BANG-BANGG.

Pero lalong nagsisugod ang mga ito sa presinto, pati sa interrogation room ay nakapasok. Iyon ang inasahan ni Tatiana. Sa gitna ng pagkaka­gulo ay nakalabas siya ng presinto, humalo sa maraming taong natakot sa super-dami na namang mga bubuwit. LAMAN ng mga balita ang mga pangyayari sa lunsod. MYSTERIOUS WOMAN LEADS THOUSANDS OF RATS; SINO ANG BABAING KUMAIN SA TATLONG PULIS?;  MGA DAGA NAG-TERRORIZE SA LUNSOD!

Nabasa iyon nina Almario at Sophia. Nabasa rin ng binatang desididong pakasal kay Tatiana—si Dexter! (Itutuloy)

ALMARIO BARILIN BOSS GREG DADALUHAN MAHABAGING DIYOS NABASA PERO TATIANA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with