^

Para Malibang

Anong ibig niyang sabihin? (1)

Pang-masa

May mga taong sadyang hindi masabi ang kanilang nasa saloob kaya naman sa dinadaan na lang nila ito sa kilos.  Anu-ano nga ba ang ibig sabihin ng isang lalaki sa kanyang mga kilos? Narito ang ilan:

Naglalakad ng magkaakbay – Kapag nais ng iyong bf/mister/partner  na magkaakbay kayo habang naglalakad, ipinapakita niya lang ang pagkakaroon ninyo ng maayos na relasyon sa isa’t isa.  Nagpapahayag din ang ganitong kilos na hindi lang kayo basta magkarelasyon kundi magkaibigan din at nagbibigay ng tiwala sa bawat isa.

Pagkurot sa puwet – Ang taong na gumagamit ng ganitong uri ng pa­ngunguha ng atensiyon sa kanyang partner ay  maituturing na “sexy”. Ayon kay Sandra Caron, PhD, professor mula sa Family relations and human sexuality sa University of Maine,  nais ipahiwatig ng lalaki na  magkaroon ng “intimate activity” sa’yo.  At tila ba sinasabi niyang “ Naalala mo pa ba ko at ang paglalambing ko sa’yo?”. Nagpapakita rin ito ng kumpiyansa  na alam niyang iisa ang inyong damdamin sa isa’t isa kaya pagbibigyan mo siya.

Pagkikiskis ng kanyang ulo sa’yo – Kapag may taong idinidikit niya ang ulo niya sa’yo, tiyak na maiirita ka. Pero, kapag ang partner mo ang gumawa nito sa’yo, tiyak na kikiligin ka  dahil nagpapahayag ito na totoo at “ideal” ang inyong relasyon. (Itutuloy)

vuukle comment

ANU

AYON

ITUTULOY

KAPAG

NAALALA

SANDRA CARON

UNIVERSITY OF MAINE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with