Aswang family (47)
(Pang-masa) - March 19, 2014 - 12:00am

BIGLA NGANG pumasok sa karaoke bar ang Kapreng bading, nais kumanta. Nagtakbuhan sa takot ang mga naroon.

Napapailing si Shalinang manananggal sa ginawi ng ama. Natitiyak niyang sa tunay na anyo ay hindi ito bading.  Ang tatay niya—si Mang Sotero—ay lalaking-lalaki.

Di ba nga ito ang naging unang lover ni Adwani, bago si Greco? Hindi papatol sa bakla ang bad fairy.

“Kung umaarte mang bading ngayon ang tatay ko, iyon ay dahil ginawa siyang baklang kapre; naghihiganti sa tatay ko ang Adwaning ‘yon,” gigil na sabi sa sarili ng seksing manananggal.

Naiwang nagsosolo sa mini-stage ng karaoke bar ang kapreng bading; hindi pa nakakabawi sa takot ang mga kliyente at mga tauhan. Pati nga ang bouncer ay napatakbong palabas.

Bumanat na ng kanta ang kapreng bading. Si Mang Sotero na mahiyaing kumanta ay naging walang hiya sa pag-awit.

Bigay na bigay sa mike. Kantang bading. “Pus-wo, ka-hwit hindi twu-ruannn…nakapagtata-kwa natututun-nwan dwin ang magma-hwal…” Nahalinhan ng pagkaaliw ang takot ng mga nasa labas; noon lang sila nakarinig ng kanta ng kapreng beki.

Nakabantay sa ama si Shalina mula sa bubong; kapag dudumugin at sasaktan ng mga tao ang ama ay magtatanggol ang manananggal.

Ang totoo’y nais din palang kumanta ni Shalina sa karaoke; noon pa mang siya ay dalaga pa. Hindi nga lang magkaroon ng pagkakataon.

Ang mga tao ay nanatiling nasa labas, malayu-layo sa karaoke bar.

Lumakas ang loob ni Shalina. Kahit siya’y manananggal, nais niyang idaos ang hilig sa pagkanta.

Lumipad siyang pababa, kita ng mga tao.

“Eeeeee!  Aaaahh!” Tilian-takbuhan ang mga tao. Nasagad sila sa takot at hilakbot sa dalawang  kampon ng kadiliman.

Nag-duet ang mag-amang kapre at mana­nanggal. “…Ako ang mutya ng Pasig…” banat ni Shalina.

“Ak-wo ang mutya ng Pas-swigg…” dugtong ni Mang Sotero.

SA OSPITAL, dala na ng mga imbestigador ang kaputol na pang-ibabang katawan ni Shalina. Nayanig si Grecong tikbalang. (ITUTULOY)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

AAAAHH ADWANI ADWANING BADING MANG SOTERO SHALINA SI MANG SOTERO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with