_pang-masa
^

Pagkaing pang-ehersisyo...

(Pang-masa) - May 22, 2013 - 12:00am

Maraming nagnanais na magkaroon ng magandang katawan, maging babae man o lalaki. Kaya lang hindi gaganda ang iyong katawan kung puro exercise lang sa gym ang gagawin mo. Dapat mong samahan ng tamang pagkain ang iyong pag-eehersisyo.  Ayon sa mga gym-expert,  makabubuti kung kakain ka muna tatlo hanggang apat na oras bago ka mag-ehersiyo at dapat na ito ay “light meal” lang.  Narito ang mga pagkaing dapat mong kainin bago ka mag-work-out:

Kainin ang mga sumusunod na pagkain 3-4 na oras bago mag-ehersisyo:

Kaunting baked potato at beans na may kaunting keso.

Anim na crackers at isang hiwa ng keso at isang saging.

Lugaw at saging .

Kalahating tasa ng kanin, gulay at kaunting baboy.

Pasta at sauce gaya ng spaghetti

Dalawang hiwa ng toasted bread na may peanut butter at kombinasyon ng saging

Kainin  bago mag-ehersisyo 1-2 oras:

Isang slice ng toast na may jam

Oat bar

Isang slice ng fruit cake

Isang pirasong prutas

Cereal bar

Fruit yogart

Kapag ikaw ay nag-eehersisyo, kailangan mo rin na uminom ng mara­ming tubig o mga energy drink para matiyak mo na hindi ka manghihina.

 

 

AYON DALAWANG DAPAT ISANG KAININ KALAHATING KAPAG KAUNTING KAYA LUGAW
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with