^

Para Malibang

Friends with benefits

Pang-masa

Marami ang sasang-ayon kapag sinabing mahirap ang pakikipagrelasyon. Kaya nga naimbento ang “friends with benefits”. Kaya lang maging babae ka man o lalaki, hindi ka dapat mapunta sa ganitong sitwasyon. Dahil tiyak na isa sa inyo ay magmamahal at masasaktan at sa bandang huli ay magkakaroon ng pakiramdam na siya ay tila isang gamit na hindi pinapahalagahan. Bakit mo naman nanaisin na magkaroon ng ganitong relasyon?  Isipin mo na lang na marami pang tao sa iyong paligid na handang magbigay sa’yo ng “commitment”  at ikaw ang maging “priority” nila sa kanilang buhay. Hindi lisensiya ang pagiging mahalaga sa’yo ng isang tao para kalimutan mo ang pagpapahalaga  sa iyong sarili. Isipin mo na lang din na hindi ka puwedeng magmahal kung ikaw mismo ay hindi nagmamahal sa iyong sarili. Tanging ang pagbibigay ng  “emotional welfare” sa sarili ang susi para hindi mo pabayaan ang iyong sarili na saktan ng iba. Para sa mga hindi nakakaalam kung ano ang ‘friends with benefits, narito ang iba’t ibang kahulugan na makikita sa Urban dictionary.com.

1. Dalawang magkaibigang may sexual relationship ngunit walang kasamang emosyon.

2. Dalawang magkaibigang nagka-casual sex pero walang commitment.

3. Magkaibigan sa umaga, sex partners by night.

4. Isang safe na relasyon na parang tulad sa totoong relasyon pero walang selosan, walang emosyon tulad ng sa seryosong relasyon.

5. Magkarelasyon sa pisikal lamang kung saan ang dalawang involve ay nasa pagitan ng seryosong relasyon at simpleng pagkakaibigan.

6. Relasyon na nasa pagitan ng magkaibigan at mag-partner. Tinatawag din itong “more than friends”.

7. Dalawang magkaibigan na napaka-kaswal ng pagde-date kung saan ang benipisyo ay ang paglalandian, paghaharutan, halikan pero walang commitment.

8. Pagse-sex nang walang commitment.

In short sex lang walang commitment, ‘yun ang ibig sabihin ng friends with benefits. Para mas maintindihan, panoorin ang foreign film na ‘friends with benefits’ nina Mila Gunis at Justin Timberlake.

Ngayon, kung kaya mo ang ganitong sitwasyon, puwede kang mag-go ate/kuya!. Kung hindi mo naman kaya huwag pumayag na maging  isa ka lang “friends with benefits”.

vuukle comment

BAKIT

DALAWANG

ISIPIN

JUSTIN TIMBERLAKE

KAYA

MILA GUNIS

WALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with