^

Pang Movies

Ivana, nag-viral sa pagkakamay sa pagsubo!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Ivana, nag-viral sa pagkakamay sa pagsubo!
Ivana Alawi
STAR/File

Nag-viral sa social media ang video ni Ivana Alawi kung saan ay mapapanood ang pagkain niya ng sardinas na nakakamay.

Ibinahagi ni Ivana ang nasabing video na ini-reshare ng netizens kaya mabilis na nag-viral.

Kwento ng aktres/content creator, nag-crave raw siya ng sardinas dahil lagi niya itong nakikita lately sa social media.

Nagkaroon kasi ng ‘sardinas eating challenge’ lately sa socmed na sinimulan ng isang content creator kaya naman hindi kataka-takang nakikita ito ni Ivana.

Sa video ng aktres ay makikitang katatapos niyang mag-taping ng FPJ’s Batang Quiapo at hindi pa siya nagdi-dinner. Agad siyang umuwi ng bahay, nagbukas ng isang lata ng sardinas at ibinuhos niya ang lahat ng laman sa kanyang kanin. Piniga pa niya ng calamansi at nilagyan ng sili. Pagkatapos at kumain siya nang nakakamay.

Sarap na sarap ang aktres habang kumakain at ang dami raw niyang naalala sa tuwing kumakain nito dahil simula nang bata pa raw siya ay kinakain na niya ang nasabing de-latang pagkain.

Sa huli ay nagpaalala si Ivana na anuman ang pagkain sa hapag-kainan ay dapat nating ipagpasalamat dahil blessing ito.

“Halos lahat na yata ng Pinoy nakatikim na ng sardinas. Alam n’yo guys, basta may pagkain tayo blessing na ‘yan. Kaya dapat nagpapasalamat tayo at siyempre huwag magsasayang ng pagkain,” paalala ni Ivana.

Claudine, nagpatutsada kay Raymart sa ‘absent fathers’?!

Dahil nalalapit na ang pagdiriwang ng Father’s Day, nagbahagi si Claudine Barretto ng isang open letter tungkol sa “absent fathers.”

Sa kanyang Instagram Story ay makikita ang isang teenager na babae na umiiyak habang may hawak na papel.

Sa ibaba ay nasaad ang isang liham na naka-address sa mga absent father. Nakasaad dito na hindi raw dapat i-assume ng mga tatay na sinisiraan sila ng mga nanay ng kanilang anak dahil ang mismong mga bata raw ang nakakakita ng katotohanan.

“Dear Absent fathers: Never assume that the mother taught the child to hate you. A child can notice a father who doesn’t want to be involved in his child’s life. Stop this nonsense of always thinking that the mothers poison their kids against you. Your absence is the biggest poison,” the letter stated.

As we all know ay matagal nang hiwalay si Claudine sa asawang si Raymart Santiago. May apat silang anak sina Sabina, Santino, Quia, and Noah.

vuukle comment

IVANA ALAWI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with