^

Pang Movies

Ala Paolo... aktor, binayaran ang kontrata sa manager!

Gorgy Rula - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inamin sa amin ng guwapong aktor na binayaran niya ang kontrata niya sa dati niyang talent manager para makaalis na siya poder nito.

Hindi si Paolo Contis ang tinutukoy namin, dahil kinuwento naman niya noon sa nakaarang birthday party ni Manay Lolit Solis na para ma-handle lang ng kasalukuyang talent manager, binayaran na niya ang kontrata nito sa dating manager.

Ibang kuwento naman ito. Noong nakaraang taon lang pala ito, na hindi naman niya sinabi ang tunay na dahilan.

Hindi niya sinabi sa amin kung magkano ang binili niya sa kontrata, pero gusto na niyang umalis sa kilalang talent manager.

Pero sa pagkakaalam namin, wala pa rin siyang kinuhang talent manager.

Diretso na siyang kinakausap, kapag kukunin siya sa isang project.

Medyo nahiwagaan lang kami bakit gusto na niyang umalis sa dati niyang talent manager na nagbigay naman sa kanya ng magagandang projects.

Ejay, naghahanda sa mataas na posisyon!

Tila naka-focus na si Ejay Falcon sa pulitika, dahil ang dinig namin ay tatakbo na raw ito sa mas mataas na posisyon sa darating na eleksyon.

Vice Governor si Ejay sa Oriental Mindoro at active naman siya roon. Ito ang mas pina-prioritize niya kesa sa showbiz.

Challenging daw talaga sa kanya bilang bagito pa lang sa pulitika, dahil sa ang dami raw talagang pumupunta sa kanya para humingi ng tulong.

“Pinakamahirap ‘yung minsan pupunta sa ‘yo ang tao pero minsan, sa sobrang dami, hindi maiwasan minsan na nakakapagbigay ka pero dahil limited ang resources, hindi mo maibibigay ‘yung gusto mong ibigay lahat,” pakli nito.

“Lalo ngayon siyempre, hindi rin ako puwedeng nagtatrabaho sa showbiz nang full time.

“E ako po kasi ‘yung tipo ng tao na hindi ko puwedeng kunin ang pera ng gobyerno para ibigay sa tao, alam mo ‘yun.

“’Yun, ‘yung mga ganun. And siyempre, ako ‘yung parang pulitiko sa amin na punung-puno ako ng invitations.

“Ultimo like nung isang araw, pati basketball sa isang barangay, ang request nila, makapag-basketball ako. So ginagawa ko basta kaya ng oras,” dagdag niyang pahayag.

Ang dinig namin ay sa Congress na ang gusto niyang takbuhan sa 2025, pero hindi pa ito makumpirma ni Ejay sa ngayon.

Pag-uusapan pa raw ito ng kanyang mga kasamahan sa partido.

Tuluy-tuloy ang pag-aaral niya sa ngayon sa University of Makati ng special course sa Political Science major in Local Governance.

“Kaya ‘pag weekends ako, sa mga hindi nakakaalam, ang dami kong invitations na hindi napupuntahan sa amin.

“Kasi nasa Manila talaga ako nu’n, Friday hanggang Sunday. So ‘yun, ‘yun ‘yung schooling,” saad ni Ejay Falcon.

vuukle comment

PAOLO CONTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with