^

Pang Movies

Heart, inaming mas priority na ang health

Salve V. Asis - Pang-masa
Heart, inaming mas priority na ang health
Heart

MANILA, Philippines — Mas priority na pala ni Heart Evangelista ang kanyang kalusugan kesa pagrampa.

Ito ang isinagot niya sa nagkomento na “You need to start planning on going to Cannes Film Festival.”

Aniya sa comment section : “I declined to go:) 3 times actually, which is sad, but I believe I need to take care of my health and choose which events to prioritize.”

Nag-post kasi ang account ng kanyang followers at doon nga nakalagay na – 2021 – declined; 2022 attended;  and 2023 & 2024 declined.

Throwback photo niya ‘yun sa Cannes Filmfest.

Isang malaking fashion event ang Cannes film festival na ginaganap taun-taon sa France.

Unang ginanap noong 1946 para sa pagkilala sa artistic achievements ng mga magagandang pelikula sa buong mundo.

Pero ngayon nga ay marami na ring rumarampang star at starlet kahit walang mga pelikula at talagang one of those lang masabi lang na umawra sa red carpet ng Cannes Filmfest.

Goma, takot dumami ang maglolokong asawa dahil sa Divorce Bill

Naniniwala pa rin si Leyte Representative Richard Gomez sa sanctity of marriage kaya naman, no siya sa Divorce Bill.

Katwiran pa ni Rep. Richard, baka mas lumaki ang kaso ng infidelity sa divorce.

Inaprubahan nga ng House of Representatives noong Miyerkules sa third and final reading ang panukalang batas na nagbabalik ng absolute divorce sa bansa.

Nagkaroon ito ng 131 – affirmative votes; 109 – negative votes; and 20 – abstentions, ipinasa ng kamara ang House Bill (HB) 9349 o ang panukalang Absolute Divorce Act.

Sinabi ni Albay Rep. Edcel Lagman, may-akda ng panukalang batas, na ang ikatlong pagbasa nito ay nagpapahiwatig ng makabuluhang pagbabago sa lipunan patungkol sa kasal at mga relasyon.

Sinabi pa nito na sa pamamagitan ng pag-legalize ng diborsyo, kinikilala ng Pilipinas ang pangangaila­ngang magbigay ng option para sa mga nagsasamang “unhappy and irreparable marriages.”

Pero hindi sang-ayon ang actor / pulitiko sa ganun.

Maraming naging girlfriend noon si Cong. Richard pero nang ikasal siya kay Ormoc Mayor Lucy Torres, hindi na siya na-link kahit kanino.

Jette BLACKMAN, gustong mag-artista

Masayang ipinakilala ng Beautéderm chairwoman na si Rhea Tan ang bagong endorser ng kanyang produkto.

Sa naganap na press event, si Jeraldine Blackman, ang pinangalanang new face ng brand.

Massive ang popularity ni Jeraldine sa social media.

Pati mga celebrity, pina-follow na siya.

Pero ayon kay Jeraldine, hindi pa niya ramdam ang kasikatan niya at ng anak na si Jette.

Sabi ni Ms. Rei, na nagsimula sa beauty industry noong 2009, makakatulong ang collaboration na ito sa pagpapalawak ng reach ng Beautéderm, dahil na rin sa global influence ni Jeraldine.

“We’re both Ilocanas. We share the same love for family, and we both honor our roots. Jeraldine is an inspiration especially to women. She’s authentic that’s why people love her.

“Jeraldine marks Beautéderm’s 15th anniversary. She’s the perfect influencer to do it. But it’s just the beginning. We will announce more surprises soon as part of this big milestone,” dagdag ng skincare executive.

Inihayag ni Jeraldine ang kanyang paghanga sa business magnate, na sumalubong at nag-welcome sa kanya sa 7-storey Beautéderm building nito sa Pampanga.

“Ate Rhea contacted me and she said she’s been following me for a long time already. I was very surprised. I had no idea that a well-known businesswoman knows me. We kinda like speak the same language. We’re both Ilocanas,” dagdag niya.

 Kwento pa ni Jeraldine, na kasal sa Australian nurse na si Josh Blackman, nagulat siya sa attention na nakukuha ng pamilya niya ngayon lalo na sa Pilipinas.

Milyun-milyon ang views ng Blackman Family sa TikTok at Instagram.

inabi niya rin sa media interview na gagamitin niya ang kanyang social media accounts para ma-promote ang ini-endorse niya sa buong mundo.

Nag-launch ang Beautéderm ng bagong products — Cristaux Retinol Serum, Cristaux Zerum Hydra-Beauty, and Cristaux Vitamin C Serum. Available sa Shopee, TikTok, Lazada, at Beautéderm stores nationwide.

Inanunsyo rin ng Beautéderm ang partnership sa Bb. Pilipinas organization sa nasabing press launching bilang bahagi ng sikat na kumpanya ng pampaganda.

Samantala, willing naman si Jeraldine na pag-artistahin ang anak na si Jette na sikat nga sa social media.

Millions ang mga video nila na nag-umpisa lang sa bahay nila.

vuukle comment

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with