^

Pang Movies

Carlo at Charlie, pakakasal na!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Carlo at Charlie, pakakasal na!
Carlo at Charli

Totoo nga kaya ang kumakalat na tsika ngayon na diumano’y ikakasal na raw sina Carlo Aquino at Charlie Dizon this year?

Unang naibalita ito sa Marisol Academy online show early this week. Ito rin ang tsika ni Ogie Diaz sa latest vlog nila ni Mama Loi.

“Pinaghahandaan na raw. Nasa planning stage na ang kasal diumano, ha? Itatanong na rin natin. Totoo bang ikakasal na sina Carlo Aquino at Charlie Dizon?” sey ni Ogie.

“This year daw, ikakasal na, kasi nga, parang nandu’n na raw sa planning stage,” dagdag pa niya.

Tinanong naman ng isa niyang partner na si Dyosa Pockoh kung ano kaya ang masasabi tungkol dito ng dating karelasyon ni Carlo na si Trina Candaza na ina rin ng kanyang anak na si Mithi.

“Feeling ko naman kay Trina, kung kilala ko si Trina, no, sa pag-iinterview ko sa kanya, eh ‘wag lang makalimutan ni Carlo na mayroon siyang isang Mithi,” ani Ogie.

Wala naman daw masama sakaling magpakasal na sina Carlo at Charlie dahil parehong nasa edad na rin naman daw ang mga ito.

Pero siyempre, ang confirmation ay manggagaling mismo sa dalawa kung totoo nga o hindi ang tsikang ito.

Matatandaang taong 2022 nang umugong ang balitang nagkakamabutihan sina Carlo at Charlie. Inamin nila ang kanilang relasyon in 2023.

Sa past interviews ni Carlo ay parati niyang sinasabi na si Charlie na ang “the one” at ang babaeng kanyang pakakasalan.

Ivana, may pa-have na P2M nung Mother’s Day 

Ang bongga talaga ni Ivana Alawi dahil tumataginting na P2 million ang ibinigay niya sa kanyang ina bilang Mother’s Day gift.

Mapapanood sa latest vlog ng aktres/content creator na in-upload last Thursday ang Mother’s Day celebration ng kanilang pamilya.

Dahil ang request ni Mommy Alawi ay kumain ng tilapia, nagpunta sila sa isang resort sa Pampanga kung saan ay nangisda sila at nag-ihaw ng isda.

Sey ni Ivana, “since gusto niya ng tilapia, naisip ko dito na siya dalhin sa fishpond.”

Aniya pa, hindi raw alam ng kanyang ina na ang bawat isang isdang mahuhuli ng Mama niya ay worth P200,000.

“At mayroon nang naka-ready na P2 million na ibibigay natin sa kanya, pang-happy Mother’s Day,” tsika pa ni Ivana.

Enjoy na enjoy namang nangisda ang kanyang ina at sampung isda ang nahuli niya kaya naman nagkakahalaga ito ng P2 million pesos na siyang goal din ni Ivana na ibigay sa kanya.

Tuwang-tuwa ang mudra ni Ivana at napaiyak pa sa labis na kasiyahan.

Maging ang tatlo pang kapatid ni Ivana na sina Hashim, Amira and Mona ay may regalo rin sa ina.

“Kasi siyempre, guys, kailangan talaga nating suklian ang kabutihan ng ating mga ina. Hindi ko sinasabing magbigay kayo ng ilang milyon or whatever. Kung paano po kaya magmahal, kung ano ang malapit sa puso n’yo.

“Make sure to make your mom feel special today, everyday. Kasi siyempre, habang nandito sila sa ating mundo, dapat pinapahalagahan natin sila and dapat iniingatan natin sila.

“And kung ano ‘yung care na ibinigay nila sa atin noong tayo ay bata ay suklian naman natin sila,” pahayag ni Ivana.

vuukle comment

CARLO AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with