^

Pang Movies

Julia at Joshua, may comeback!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Julia at Joshua, may comeback!
Julia at Joshua

Masuwerte rin naman iyang si Julia Barretto kasi may nagtitiwala pa sa kanya at gustong ibangon ang kanyang career.

Umaangat na sana iyang si Julia noon. May nagsasabi pang darating ang araw na iyan ang makakaagaw sa popularidad ng KathNiel nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Matapos lang kasi ang isang pelikula, nag-click ang love team nila ni Joshua Garcia, sumikat iyong JoshLia.

Dumating ang panahon na naging magsyota sila, at lalong lumakas ang kanilang team-up, pero sa isang hindi inaasahang pangyayari. Isinama si Julia sa isang pelikula ni Gerald Anderson at habang ginagawa nila ang pelikula, naging magsyota sila.

Nakuha ni Joshua ang simpatiya ng mga tao, sumikat siyang lalo. Ito namang si Julia kailangang mailayo na sa love team na dati.

Ngayon siguro naisip nila na malakas lang si Julia noong ka-love team pa niya si Joshua.

May project silang magkasama ngayon, pero kikita kaya?

Liza, pinataob ang bashers!

Isipin ninyo, hanggang sa Vietnam nag-attend ng Ho Chi Minh City International Film Festival si Liza Soberano bilang juror at presentor.

Walang duda na makatutulong sa kanya iyon na makilala rin ng producers sa ibang bansa para makagawa rin siya ng pelikula doon at matupad ang pangarap niyang maging international star. 

Ang mahirap basta kasi nag-abroad ang isang artista ang standard na ay iyong naabot ni Lea Salonga eh, at napakahirap abutin noon talaga lang matindi ang ta­lent ni Lea at lovable siya sa audience kaya siya sumikat nang ganoon.

Samantala, ngayon ngang nagbubunga na pakonti-konti ang mga pinaghirapan ni Liza at mukhang napatahimik at pinataob na niya ang bashers niya.

Goma, naka-40 taon na sa showbiz!

Forty years na rin pala sa show business si Congressman Richard Gomez.

Sa paglipas ng panahon napatunayan ni Goma na siya ay isang mahusay na actor talaga hindi lang siya pogi kundi magaling umarte rin.

Kaya tingnan naman ninyo, napatuanyan din niyang siya ay isang magaling na mayor at mahusay na congressman din. Lalong dumami ang mga tagahanga niya sa pagdaraan ng panahon.

Congratulations on your 40th year as an actor, Congressman Goma.

vuukle comment

JULIA BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with