Kathryn, hinihiritang itambal sa korean superstar!
Former Ilocos Sur governor and successful businessman Luis ‘Chavit’ Singson hosted an intimate dinner for the officers and members of SPEEd (Society of the Philippine Entertainment Editors) na pinamumunuan sa taong ito ng entertainment editor ng Pilipino Star NGAYON at PM na si Salve Asis na ginanap sa kanyang Corinthian Garden residence in Quezon City nung nakaraang Sabado, April 20, ng gabi.
During the intimate sumptuous dinner, naibahagi ni Gov. Chavit sa mga entertainment editors ang marami sa kanyang ongoing projects at kasama na rito ang plano niyang i-co-produce and bagong season ng hit TV series in South Korea, ang Vagabond kung saan tampok na bituin si Lee Seung-gi, isang Korean superstar na malapit niyang kaibigan at may ilang beses na ring dumalaw sa Baluarte at Narvacan.
Kung matutuloy ito, dito sa Pilipinas kukunan ang ibang mga eksena.
May nagsa-suggest din kay Gov. Chavit na i-produce niya ang pelikula na pagtatambalan nina Lee Seung-gi at Kathryn Bernardo or any other Filipina star na tatampukan din ng ilang Filipino actors. Bukas ang negosyante at dating politician sa idea which he will discuss with his Korean partners.
Ang dating Metrowalk ay iku-convert na bilang Little Seoul (Korea) at nagsisimula na ang renovation ng nasabing lugar kung saan makaka-experience ang mga Filipino ng taste of Seoul, Korea.
Bukas din siya ng co-production with other companies para makatulong sa industriya.
- Latest