^

Pang Movies

Robin at Mariel, ‘naglokohan’

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Robin at Mariel, �naglokohan�
Mariel Padilla at Robin Padilla.

Aliw na aliw ang netizens sa ipinost ni Mariel Padilla sa Facebook na screenshots ng palitan nila ng text messages ng asawang si Robin Padilla.

Nagsimula ang kanilang usapan nang sabihin ni Robin sa misis na may sasabihin daw siya.

Sabi pa ni Binoe, “babe, eskandalo ‘to.”

Sabi naman ni Mariel, “babe kung ano man yan alam mo na ako ay lagi nasa likod mo. Ano nangyayari?”

Sagot naman ng aktor/politoko, “babae babe. Naglabas na yun babae ng ebidensya. Batid na ng buong mundo.”

Nagulat si Mariel siyempre. “Ha? Hindi ko maintindihan. Ang alam ko lang si. . .(tinakpan ng sticker ang name).”

Hirit ulit ni Robin, “Girlfriend ko babe. Naglabas na ng ebidensya kahapon. Alam na ng  buong mundo.”

Sey ni Mariel, “ano? Show me.”

Ipinakita naman ni Robin ang link ng bagong kanta ni Taylor Swift na may titulong Robin.

Sabi ni Binoe, “wala na ako magawa. Nilabas na ni Taylor Swift.”

Lukang-luka si Mariel sa mister at sinabihan niya itong “bakit gusto mo ako mamatay?”

Tawa naman nang tawa si Robin.

Sey ulit ni Mariel, “grabe. Yung kalamnan ko. Ikaw talaga.”

Humingi naman ng tawad si Binoe sa asawa. “Sorry babe. Hehehheheh. Good time lang.”

Tanong pa niya kay Mariel, “babe nagalit ka ba?”

Sagot naman ng TV host, “never. You are cute. I miss you.”

Pero may kasunod itong warning. Aniya, “wag ka magkaka girlfriend. Mamatay ako.”

Tawa nang tawa ang netizens and at the same time ay kinilig din sila sa mag-asawa.

 John prats naging ring bearer

 Star-studded ang ginanap na second wedding nina Angelica Panganiban and businessman Gregg Homan sa Inara Beach Resort in Siargao last April, 20.    

Sa mga dumalong celebrities, siyempre ay hindi mawawala ang mga BFFs ni Angelica na sina Kim Chiu and Bela Padilla ng AngBeKi squad. Naroroon din sina Anne Curtis, John Prats, mag-asawang Ryan Agoncillo and Judy Ann Santos, Glaiza de Castro, Maxene Magalona, Agot Isidro, Cherry Pie Picache, Ketchup Eusebio, Smokey Manaloto, Kean Cipriano, among others.

Sa Instagram post ni Juday ay sinasabi niyang masayang-masaya siya para kay Angelica.

Ramdam na ramdam ko ang kaligayahan ng puso mo… napakasaya ko para sayo mahal kong cindy..  andito lang ang pamilya agoncillo palagi para sa pamilya homan.. mahal na mahal namin kayo,” caption ni Juday sa wedding photos na kanyang in-upload sa Instagram.

Sa post naman ni John Prats ay sinabi niya siya ang naging ring bearer sa kasal ng kaibigan.

To my Pets! Sobrang saya naming lahat para sa inyo ni @gregg_homan  Sobrang saya din ng mga puso namin na makita ang mga ngiti nyo! Mabuhay ang bagong kasal! It was an honor na naging ring bearer nyo ako. Love you,” mensahe ni John sa mag-asawa.

Matatandaaang unang ikinasal sina Angelica at Gregg sa pamamagitan ng isang intimate ceremony noong Dec. 31, 2023 sa Los Angeles, California.

vuukle comment

MARIEL PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with