^

Pang Movies

Entertainment programs ng isang network, problemado

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Mimitingin daw ang isang bigwig ng isang network ang taong namamahala sa kanilang entertainment programs pati na ang mga artistang involved sa show.

Ayon sa aming source, hindi raw kuntento ang bigwig sa pasok ng TV ads sa mga show. Kapos daw ito para pambayad sa mga bayarin ng isang programa.

May malakas na programa ang network pero pagdating sa ibang genre eh mahina sila, huh!

Bea, pinipigilang makipagbalikan kay Dominic

Ano ba talaga ang real score kina Bea Alonzo at Dominic Roque?  Nagkabalikan ba o wala na talaga?

May mga post si Dominic na tila may nabubuong balikan sa kanila ni Bea. Eh sa latest post ni Bea, tila tinuldukan na niya ang anumang kaugnayan kay Dom dahil burado na umano ang posts niyang magkasama sila ng dating fiancé.

Pinagdududahan tuloy si Dom na siya ang may gawa ng mga post na naglalabasan na tila napipinto ang balikan nila ng dating dyowa.

Malayo ang agwat sa buhay at career nina Bea at Dominic kaya huwag magtaka kung may pumipigil man na magkabalikan silang dalawa, huh!

vuukle comment

SHOWBIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with