^

Pang Movies

Maureen, nakipag-bonding sa Little Mermaid actress

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Maureen, nakipag-bonding sa Little Mermaid actress
Halle at Maureen
STAR/File

Ang bongga naman ni Maureen Wroblewitz na isa sa mga um-attend sa Coachella Valley Music and Arts Festival na ginanap sa Indio, California.

Nagbahagi siya ng mga litrato niya sa annual event.

“Desert heat,” caption niya sa kanyang post kung saan pinakita niya ang mga litrato niya sa event.

Pero mapapansin sa post niya ang litrato nila ng American actress na si Halle Bailey.

Si Halle ang bumida sa live-action adaptation ng Little Mermaid ng Walt Disney at kasama rin sa musical film na The Color Purple.

Pinusuan ng netizens ang kanyang post at tuwang-tuwa ang mga ito na makita silang magkasama na ani nila ay Disney princesses.

Hindi nga nagpahuli ang ganda at kaseksihan ng ex ni JK Labajo at ang hot nga raw nito sa suot niya sa event.

Mukhang pareho na nga silang naka-move on ng Ere singer na kumpirmado na raw ang relasyon sa kandidata ng Miss Universe-Philippines na si Dia Mate habang si Maureen naman ay tila tahimik ang relasyon sa foreign fashion model na si Noah Steinbuch.

vuukle comment

CALIFORNIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with