^

Pang Movies

JM, ‘di makapaniwalang pinili ni Lovi!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
JM, �di makapaniwalang pinili ni Lovi!
JM de Guzman
STAR/File

Hindi makapaniwala si JM de Guzman na personal choice siya ni Lovi Poe para maging isa sa leading men nito sa upcoming film nila sa Regal Entertainment na Guilty Pleasure.

Ayon kasi sa aktres sa mediacon ng nasabing pelikula na ginanap last Saturday, paglipat na paglipat daw niya sa ABS-CBN ay sinabi na niyang isa sa mga dream niyang makatrabaho ay si JM dahil alam niyang napakahusay nitong aktor.

Ani JM nang hingan namin ng reaksyon, “siyempre, nauna po ‘yung hindi ako makapaniwala kasi parang bumaba ‘yung self-esteem ko lately, eh.”

Bakit bumaba ang kanyang self-esteem?

“Hindi, kasi ‘di ba, parang medyo lumaki ako, tapos parang medyo nabawasan ‘yung confidence ko, ‘yung self-esteem ko, nabawasan din, and ayun, hindi ako makapaniwala lang. Pero kinilig pa rin ako, siyempre,” sagot niya.

Ngayon pa nga lang na hindi pa nagsisimula ang shooting ay nape-pressure na raw siya.

“Sobra akong nagpe-pressure. Hindi ko po ma-pinpoint kung ano ‘yung meron kay Lovi pero parang siguro how she handles herself, and ‘pag napapanood ko siya, ang galing-galing niya and how she presents herself, sobrang humble, sobrang confident. So, parang medyo may intimidation din nang kaunti,” he said.

Sa Guilty Pleasure ay isang abogado ang ginagampanan ni JM tulad din ng papel ni Lovi at tulad din ng role niya sa Linlang.

Naikwento nga ni JM na may nang-bash sa kanyang netizen dahil sa kanyang role sa Linlang.

“May nang-bash sa akin na hindi raw siya naniniwalang laywer ako sa Linlang, so, na-hurt ako do’n,” aniya.

Kaya bilang preparation sa Guilty Pleasure ay nag-o-observe raw siya sa lawyers kung paano magtrabaho ang mga ito, paano gumalaw at magsalita. May mga kinakausap din daw siyang abogado.

Aminado siyang sobrang kinakabahan daw siya sa Guilty Pleasure and at the same time ay excited din.

Darren, pasok na sa DaBeKis!

May bago nang grupo sina Kim Chiu at Bela Padilla. They just created DaBeKi with Darren Espanto.

Of course, buo pa rin naman ang AngBeKi group composed of Angelica Panganiban, Bela and Kim pero dahil nga medyo lie-low ngayon sa showbiz ang una at hindi na nila nakakasamang masyado kaya marahil nag-create ng bagong group sina Kim and Bela.

Makikita sa IG Story ni Kim ang bonding moments nila ng DaBeKi tulad na lamang ng pagdalo nilang tatlo sa birthday party ni Vice Ganda sa Nueva Ecija last Saturday.

Mapapanood sa video na pabirong sabi ni Bela, “naiinis ako na may isa pa siyang (Kim) best friend!”

Sa isang video naman ay maririnig din si Bela na ini-introduce si Darren na “ang bagong miyembro.”

Sey naman ni Kim, “we’re ready for our DaBeKi trip.”

Caption pa ni Chinita Princess, “where it all started!!! #DaBeKi.”

Sa isang vid naman ay makikita na silang tatlo na nasa loob ng isang sasakyan at nagkakasiyahan habang nagbibiyahe.

Sa IG Story naman ni Bela ay makikita rin ang larawan nilang tatlo at sey niya sa caption, “dahil wala si @iamangelicap dabeki muna kami.”

vuukle comment

JM DE GUZMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with