^

Pang Movies

ABS-CBN shows, kalat na sa lahat ng channel

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
ABS-CBN shows, kalat na sa lahat ng channel
TV Patrol

Hindi na nga yata maiiwasan ang kinatatakutan ng marami sa industriya ng telebisyon. Ngayon ay may mga balita na tatlong serye raw ng ABS-CBN ang mapapanood na rin sa primetime ng GMA 7.

Hindi pa sinabi kung anong mga programa iyon.

Simula nang mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN, sila ay hindi na nga network kundi content producers na lamang at ngayon ang kanilang content ay inilalalabas nila sa ibang channels bilang blocktimers o kaya tuwiran nilang ibinebenta sa ibang networks.

Sa ngayon nga ay parang mas manipulated na nila dahil bukod sa kanilang cable channel na Kapamilya, napapanood na rin ang programa nila sa GTV, GMA, Zoe TV, at maging ng TV5.

Hindi lang iyan, mapapanood na rin sa AllTV ang TV Patrol.

Dati ang mga seryeng Koreano lang ang nagkakaroon ng malakas na presence at madalas bilhin ng mga local network dahil canned na kumbaga at buo nang bibilhin tipid pa, ngayon lalamunin na sila ng ABS-CBN.

Christian, inihahanda na ni ate Vi

Proud na proud si Ate Vi (Vilma Santos) sa kanyang anak na si Ryan Christian, isipin ninyo sa edad na 25, napagtitiwalaan na nila iyon sa mga project para sa kanilang nasasakupan.

Bagama’t hesitant pa si Ate Vi at maging si Secretary Ralph Recto dahil masyado pa nga namang bata ang kanilang anak at dapat na mag-enjoy muna iyon sa kanyang buhay, lalo na’t binata pa naman, mukhang malakas ang ugong sa mga taga-Batangas na kung ayaw na raw tanggapin ni Ate Vi ang mga iniaalok sa kanyang posisyon ulit sa lalawigan, si Ryan na magtutuloy ng kanyang mga nasimulan doon.

Maganda naman kasi ang records nina Ate Vi at Secretary Ralph sa kanilang paglilingkod kaya naniniwala ang mga Batangueño na magagabayan nila si Ryan para sa kabutihan ng bayan.

Sorry na lang sa nangangarap na pumasok din sa show business si Ryan, lalo na’t nakikitang magaling din naman siyang kumanta at pogi rin.

Alden, may scholarship sa kabataan!

Inaamin ni Alden Richards na hindi totoo ang sinasabi ng ilan na sagabal ang kahirapan sa kakulangan ng edukasyon. Totoo naman iyon, maraming mga kabataan ang gustong mag-aral pero walang kakayahan.

Inamin niya na dahil sa kagustuhan niyang makapag-aral kaya maaga rin siyang nagsikap sa buhay at hindi nahiyang humingi rin ng tulong sa iba. Ngayon namang siya ang nasa isang posisyon para tumulong, nagtayo pala siya ng isang scholarship foundation na tumutulong sa 25 ngayong mga mag-aaral na matapos ang kanilang kurso.

Pinipili raw nila iyong mga walang kakayahan talaga pero may interest na makapagtapos. Hindi lang fans ni Alden iyan kundi maging ang iba pa na sa tingin nila ay karapat-dapat.

Kaya naman pala maganda ang dating ng karma kay Alden eh kasi tumutulong siya sa kanyang kapwa kahit na kung iisipin, hindi na naman niya iyon respondibilidad.

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with