^

Pang Movies

Mavy, walang pakialam kina Kyline at Darren!

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Mavy, walang pakialam kina Kyline at Darren!
Mavy Legaspi.
STAR/ File

Wala raw problema kay Mavy Legaspi ang panunukso sa kanyang diumano’y ex-girlfriend na si Kyline Alcantara kay Darren Espanto.

Sinabi niyang very close friends sila ni Darren at ang mga nakikita raw ng mga tao sa TV ay “what you see is what you get” pero behind closed doors ay nagpapalitan sila ng mensahe nito. Kaya hindi raw kaso sa kanya kung tuksuhin man ang mga ito.

Maaalalang na-link si Kyline kay Mavy habang si Darren naman ay na-link sa kakambal ni Mavy na si Cassy.

Nagkaroon ng cryptic post noon si Kyline kung saan kinonek ito ng netizens sa relasyon nila ni Mavy na pinagpalagay na hiwalay na nga ang dalawa.

Nag-post din noon ng isang cryptic message ang nanay nina Mavy at Cassy na si Carmina Villarroel na lalong nagpaingay sa isyung hiwalay na sina Mavy at Kyline.

Kamakailan naman ay nang maging guest si Kyline sa programang It’s Showtime ay tinukso sila ni Darren.

Inamin din ni Darren na best friends lang sila ni Cassy na hindi gaya ng pinipilit ng fans na nagsasabing may namamagitan sa kanila. Kaya naman tinukso siya kay Kyline.

Hindi nagsalita sina Mavy at Kyline tungkol sa nasabing hiwalayan at ayon nga kay Mavy ay hindi naman kailangan pang pag-usapan pa. Ang mahalaga raw ay ok silang lahat behind closed doors at peaceful sila.

Ngayon ay mas priority raw ni Mavy na ma-in love sa kanyang sarili at sa kanyang craft sa pag-arte. Ayaw raw niyang palagpasin ang binigay sa kanyang pagkakataon. Bongga.

vuukle comment

MAVY LEGASPI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with