Pokwang, ‘di pa tapos sa ex
Hindi pa pala tapos ang kaso ni Pokwang matapos niyang maipa-deport ang dating partner at tatay ng kanyang anak na si Lee O’Brian. Sinasabi ngayon ni Pokwang na hahabulin pa niya ang Kano para sa child support.
Sa tingin niya napakalaki ng atraso noon sa kanya at sa kanilang anak na dapat lang naman. Iyong isinampang kaso ni Pokwang sa Immigrations na naging dahilan para mapa-deport si Lee ay walang kinalaman sa atraso sa kanya, kundi isinumbong lamang niya na nagtrabaho iyon sa Pilipinas na walang working visa at ni hindi kumuha ng working permit mula sa DOLE.
Illegal talaga iyon kaya na-deport si Lee, pero dapat ding sisihin ang kumuha sa kanya para magtrabaho dahil bakit naman siya pinayagan dito?
Dahil ba walang artists’ union ang mga artista dito na kahit na lang sino puwedeng dumayo at mag-artista sa ating bansa?
Mabalik tayo kay Pokwang, gusto niyang habulin si Lee O’Brian para suportahan ang kanilang anak na karapatan niya iyon. Pero aywan kung mananalo ba siya sa korte ng mga Kano kung isasampa niya ang kaso sa US.
Daniel, ‘di na apektado kay Kathryn?!
Parang ang lumalabas na attitude ni Daniel Padilla ay “been there done that” basta natatanong tungkol sa madalas na nakikitang pagsasama ng ex syotang si Kathryn Bernardo at ni Alden Richards.
Saka mukhang natanggap na nga ni Daniel na tuluyan nang nawala sa kanya si Kathryn at hindi na niya mababalikan iyon.
Ate Vi, may foundation para sa fans
Kawawa naman siya, kasi talaga namang sa ngayon walang pinagkukunan ng pera ang isang “mahusay na aktres.”
Matagal na kasi siyang walang trabaho kahit na pinipilit ng fans niya ang kanyang kahusayan. Malaki rin naman ang gastos niya. Natural umuupa siya ng bahay, nagbabayad ng ilaw at tubig. Iyong kakainin pa niya, at ang sustento niya sa kanyang boyfriend at pamilya noon para hindi na siya guluhin.
Noong araw may natatakbuhan siyang kaibigan niya na nauutangan nang lista lang sa tubig pero ngayon papaano nga ba?
Masakit din ang buhay ng mga artistang hindi natuto sa kanilang buhay. Hindi kagaya sa US na may bahagi sila sa kita ng lahat ng pelikula at may welfare fund sila, dito sa atin ay wala naman.
May Mowelfund na wala namang pera at umaasa lamang sa ibinigay sa kanilang bahagi ng kita ng Metro Manila Film Festival tapos ang dami pa nilang pinapasukang mga proyekto at scholarships ng mga manggagawa ng indie na hindi naman kumikita at nakakaubos lang ng pondo nila. Tapos ang welfare ng mga artista na siyang pangunahin nilang tungkulin sana, iyon ang napapabayaan na dahil sa kakulangan ng pondo.
Kaya kung may mga artistang kagaya ng aktres na iyan na gutom na ngayon, wala silang magawa kundi sisihin iyon dahil naging waldas sa pera nagumon sa bisyo at hindi inisip ang kanyang kinabukasan.
Mabuti pa nga si Vilma Santos, nakapagtayo at nakapag-ipon para sa isang foundation na tutulong sa kanyang Vilmanians kung sila ay matatanda na at walang mag-asikaso.
- Latest