^

Pang Movies

2-0 para sa Lady Blazers

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagtulungan sa opensa sina Michelle Gamit at Wielyn Estoque upang akayin ang defending champions College of St. Be­nilde sa 25-11, 25-21, 25-22 panalo sa San Beda University sa NCAA Season 99 women’s volleyball tournament kahapon sa Filoil EcoOil Arena.

Inilista nina Gamit at Estoque ang tig-13 points, habang bumakas si Gayle Pascual ng 10 markers pa­ra sa Lady Blazers na ikinahon ang ikalawang pa­nalo at manatiling nasa tuktok ng team standings.

Ikinadena ng St. Be­nilde ang ika-31 sunod na panalo na nagsimula apat na taon na ang nakalipas.

Hindi pinaporma ng CSB ang Lady Red Spi­kers na nalasap ang ika­la­wang sunod na talo.

Pinalaro ni CSB coach Jerry Yee ang mga bench players, kaya wala sa kan­yang bataan na starters ang pumalo ng bola ng tatlong sets maliban kay Zamantha Nolasco.

Impresibo pa rin ang laro ni Cloane Mondonedo matapos magtala ng 16 excellent sets at naghati sila ng playing time ni Che­­nae Basarte.

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with