^

Pang Movies

Poyos isasalang ng Uste vs FEU

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Balik-laro na si super rookie Angge Poyos kaya naman mas mabalasik na University of Santo Tomas ang mapapanood ng mga fans sa pagharap nila sa Far Eastern University sa 86th UAAP 2024 women’s volleyball tournament ngayon sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Manila.

Hindi nakalaro si Poyos nang talunin ng Golden Tigresses ang University of the Philippines Lady Maroons, 25-14, 25-13, 28-30, 25-15, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Tiniyak ni head coach Kungfu Reyes na maglalaro si Poyos kontra sa FEU ngayong alas-4 ng hapon.

“Expect ninyo lang na babalik naman siya by Sa­turday. Nothing serious about kay Poyos,” sabi ni Reyes kay Poyos. “Talagang binigay lang namin iyong tamang pahinga para makapag-recover talaga.”

Super ang ambag na naibibigay ng 5-foot-8 outside hitter sa Golden Tigresses sa kanyang 22.3 points per game at siya rin ang top spiker sa hinataw na 41.7 percent at second-best server sa 0.38 aces per set.

Mag-isa sa unahan ng team standings ang Golden Tigreesses na may 10-1 karta, habang nasa pang-apat ang Lady Tamaraws tangan ang 6-4 card.

Samantala, magtatapat sa alas-2 ng hapon ang Adamson University Lady Falcons at Lady Maroons.

May tsansa pa ang Adamson na makasampa sa Fi­nal Four, habang ligwak na ang UP.

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with