^

Pang Movies

Darren, kay Jillian naman gustong ma-link!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Darren, kay Jillian naman gustong ma-link!
Jillian

Itatambal na si Darren Espanto sa iba matapos niyang ulit-ulitin na wala talaga silang relasyon ni Cassy Legaspi.

Indirectly ay nag-react diumano si Carmina Villarroel sa naging statement ni Darren at ganoon din si Cassy.

Dahil nga sa pagli-link nina Darren at Cassy kung bakit pinagtambal din sila sa pelikula nina Ate Vi (Vilma Santos) at Boyet (De Leon).

Hindi nagsalita ng ganyan si Darren noon, ibig sabihin enjoy rin naman siyang naili-link siya kay Cassy kaya’t natatabunan ang mas masamang tsismis tungkol sa kanya.

Pero ano nga ba talaga ang nagtulak kay Darren para itanggi si Cassy? May nagsabi ba sa kanya na bibigyan siya ng ibang ka-love team?

Ayaw ba niyang ma-associate bigla kay Cassy na naging host ng Tahanang Pinakamasaya na pinalitan nila ang timeslot.

O baka naman gusto naman niyang kay Jillian Ward ma-link dahil mas may career?

Sunshine, kumakanta na ulit

Sa totoo lang, naaliw kami sa ginagawang videos ni Sunshine Cruz kung saan siya kumakanta pa nang live. Matagal na panahon na iyon kasi at mukhang nakakalimutan na rin ng fans na si Sunshine ay isa ring singer.

Hindi lang siya kumakanta noon sa That’s Entertainment, o sa mga out-of-town shows, si Sunshine ay naging recording artists din noon ng Octoarts Records at bumenta naman ang ginawa niyang album.

Pero mas tinutukan nga niya ang pagiging isang aktres. Pero maski noon marami ang nanghihinayang na napabayaan niya ang kanyang singing career.

Pero ngayon nakakatuwa at naaalala na naman niyang kumanta after all maikakaila ba ang hilig sa musika eh tumatakbo naman iyan sa dugo ng mga Cruz?

Isa pa sa sinasabi nila noong umiwas si Sunshine ay dahil ayaw niyang makakumpetensiya ang mga pinsan niyang sina Geneva, Donna at Sheryl na aktibo noon sa pagiging singer.

Pero sayang. Isa kami sa natutuwa ngayon na kahit na sa social media ay binabalikan niya ang pagkanta-kanta, maganda naman ang boses niya talaga.

Janus, pinagtawanan sa ‘Loyalty’

Hindi naman sa nakakatawa pero ano nga ba ang aasahan mo. Sabi ni Janus del Prado, natatawa na lang daw siya sa mga nagsasabi noon na walang loyalty ang mga artistang lumipat ng network, tapos ngayon nagtalunan din naman sa iba.

Hindi mo naman masisisi iyang mga nagtalunan sa ibang networks. Eh kasi naman may choice ba sila?

At saka kung iisipin, ano bang loyalty sa networks ang sinasabi nila? Bakit ang networks ba ay loyal sa mga artista nila? Ang mga network, negosyo lang iyan. Habang kumikita ka mabango ka pero kahit na anong loyalty ang sabihin mo basta hindi ka na sikat mawawalan ka rin ng trabaho sa network mo.

Iyang mga artista naman, natural lang lilipat iyan sa network kung saan sila mabibigyan ng trabaho. Kaya sila nag-artista para kumita sila kung ibuburo lang naman sila ng network para ano pa?

Loyalty? Sa show business, salita na lang iyan. Hindi na totoo iyan.

vuukle comment

DARREN ESPANTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with