Sa bahay lang daw naglalagi...Kris, hindi pa rin naa-admit sa UCLA Hospital
Hindi pa rin pala natutuloy hanggang sa kasalukuyan ang admission ni Kris Aquino sa UCLA Hospital.
Nasa bahay lang daw ito sa United States ayon kay Batangas Vice Governor Mark Leviste na umalis kagabi papunta sa Amerika para bisitahin ulit ang girlfriend.
“Just at home... still experiencing constant body aches and migraine,” aniya nang kumustahin ko ang kalagayan ni Kris dahil matagal-tagal na rin itong walang update sa kanyang social media pages.
Last January ang last post ni Kris at interview niya kay kuya Boy Abunda.
Si VG Mark din ang umaalalay kay Joshua na nakabalik na sa Pilipinas.
Actress, hindi bumenta ang boses
Kahit kung ilang milyon pa ang followers ng isang celebrity wala talagang assurance na kahit 50 % nito ay panonoorin siya sa concert.
Ganito raw ang nangyari sa isang actress / singer na nagbalak magkaroon ng solo concert.
Handa na raw sana ang lahat, pero parang pagong daw ang galaw ng bentahan ng tickets.
As in mabibilang mo lang daw sa diliri ang nabebentang ticket sa isang araw.
Kaya ang sabi, hindi na raw ito itutuloy.
Sa true lang, choosy na ngayon pati audience ha kahit libre ang ticket sa concert.
Hindi na sila basta-basta tumatanggap kahit sabihin mo pang hindi sila magbabayad. ‘Yun pa kayang nagbabayad.
Malaking bagay talaga ang nagawa ng social media sa mga celebrity. Nawala na ang mystery ng kanilang mga buhay kaya hanggang dun na lang sila.
Nawalan ng excitement kahit gumawa pa sila ng pelikula, lalo na kung ‘di naman sila singer tapos magko-concert.
Kaya kumpirmado, hindi nako-convert na paying audience ang number of followers ng maraming celebrities.
K drama pinagkakaguluhan ng Pinoy fans
Ang lakas ng Korean drama series na Queen of Tears.
Kahit mga short video lang nito, millions ang views.
Kaya naman, magdadagdag daw ng two episodes ang nasabing series.
Ito ay pinagbibidahan nina Kim Soo Hyun at Kim Ji Won.
Ang Queen of Tears ay kakaibang love story nina Hong Hae-in (Kim Ji-won), tagapagmana ng chaebol ng Queens Group, at Baek Hyun-woo (Kim Soo-hyun), anak ng mga magsasaka mula sa Yongdu-ri na naging magaling na abogado at ang masasalimuot na kuwento ng mga taong nakapaligid sa kanila.
At sa pagpapalabas daw nito ng episode 10 last April 7, nakamit ng drama series ang nationwide viewer rating na 18.95% - sa Korea.
Pero mas mataas pa rin daw dito ang rating ng Crash Landing on You na nangungunang puwesto na may pinakamataas na rating na 21.7%.
Take note sa Korea ito ha. Hahaha.
Sen. Ramon ‘Bong’ Revilla adopted son ng Sablayan, Occidental Mindoro
Inampon si Senador Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr. ng Sablayan, Occidental Mindoro sa pamamagitan ng isang resolusyon ng Sangguniang Bayan.
Sa isang programa nitong nakaraang Lunes (Abril, iginawad kay Sen. Bong ang kopya ng resolusyon nina Mayor Walter “Bong” Marquez, Vice Mayor Edwin Mintu, at iba pang opisyales ng lokal na pamahalaan ng Occidental Mendoro kasama si Governor Eduardo Gadiano.
Sa Resolution No. 2024-SDM335, kinilala at binigyang-halaga ang suporta at tulong na pinakita ni niya sa nasabing bayan, kasama na ang kanyang pakikibahagi bilang panauhing pandangal sa pagbubukas ng Palarong Panlalawigan ng Occidental Mindoro ngayong taon.
Kinilala rin doon ang Revilla Law na inakda ng beteranong mambabatas na nagpapaaga sa pagbibigay ng cash gift sa senior citizens.
Samantala, nagsimula na pala si Sen. Bong na mag-shooting para sa comeback movie niya.
More than a decade rin pala siyang walang pelikula.
Pero siyempre tumatak ang ginagawa niyang pelikula, tulad ng Panday, Agimat, Alyas Pogi, SPO4 Santiago, at Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.
At ngayon nga raw ay ibabalik niya ang isa sa pinasikat niyang karakter, si Alyas Pogi na tatlong beses na pala niyang ginawa.
Ang chika, Birador: Alyas Pogi 4 ang magiging pamagat nito na ididirek nina Dondon Santos at Enzo Williams.
Hindi pa raw napa-finalize ang buong cast, pero pasok na raw si Carlo Aquino at Christopher de Leon.
At ka-join din daw ang isa pang sikat at kontrobersyal na young actress pero bawal pang pangalanan.
Ruffa, sinupalpal ang fake news
Daming nagkalat na fake news sa mga digital platform.
Kaya si Ruffa Gutierrez, ikinorek niya kaagad.
May kumalat ngang quote cards online ni tita Annabelle Rama patungkol sa estranged couple na sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.
Nakalagay sa isang quote card na “nakikita n’yo! nakita n’yo nakikita n’yo naman yan hindi ko na kailangan pa magsalita. Oo may kasama sa hongkong ang bruha” bahagi ng quote na ang ini-insinuate ay ang kumalat na photo ni Sarah na diumano’y may lalaking kasama sa HK.
Ang isa pang quote card supposedly ay inamin ni tita Annabelle na nag-bakasyon sina Richard at Barbie Imperial at mas boto siya kay Barbie at mas mabait ito kay Sarah, etc. etc.
Kaya sa isang post, mabilis ang pagtutuwid ni Ruffa. “My mom has not uttered a word,” post ng aktres.
“Things are peaceful at the moment. Let’s keep it that way,” dagdag ni Ruffa.
Sa panahon talaga ngayon, dapat talaga itinatama kaagad.
Sa true lang ang dami ngayong gullible, ang bilis maniwala. Super repost sila na hindi man lang tinitingnan kung sino ang nag-post na minsan pati mga legit naguguyo.
- Latest