^

Pang Movies

Sarah at Kyline, nagko-compare notes sa mga ex

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Sarah at Kyline, nagko-compare notes sa mga ex
Sarah at Kyline

BFF na sina Sarah Lahbati at Kyline Alcantara, madalas silang magkasama sa mga event, sa pagdalo sa birthday ng common friends nila. Pati nga sa pagpunta sa Aivee Clinic, magkasama rin ang dalawa at pati treatment na ginawa sa kanila, pareho rin.

Pinansin din na pati sa OOTD, nagkakapareho na sila at pareho ring nahihilig ngayon sa tennis. Hindi rin nakakalimutang i-point out ng netizens na halos pareho ang nangyari sa kanilang love life.

Parang sabay ang breakup ng marriage nina Sarah at Richard Gutierrez at breakup nina Kyline at Mavy Legaspi.

Anyway, malabo lang silang magkasama sa TV project dahil magkaiba sila ng network. Sa GMA nakakontrata si Kyline at sa Viva Artists Agency naman si Sarah na ang project, sa TV5 ang airing.

And speaking of Sarah, sa April 8, 2:30 p.m., na ang premiere ng kanyang pagbabalik sa paggawa ng series sa telebisyon. Siya ang leading lady ni Kiko Estrada sa Lumuhod Ka Sa Lupa at ama niya si Gardo Versoza. Sina Albert Langitan at Roderick Lindayag ang dalawang directors ng action-drama series.

Raphael, napasayaw dahil sa billboard

Ang cute ni Raphael Landicho, nagsayaw sa ibabaw ng tulay malapit sa GMA Network dahil nakitang nakataas na ang billboard ng My Guardian Alien. Nasa background ni Raphael ang billboard ng series kung saan, siya si Doy, ang anak nina Carlos (Gabby Concepcion) at Katherine (Marian Rivera).

Sabi niya, “Sa sobrang saya at proud ko po sa sarili ko dinaan ko na lang sa sayaw.”

Naging close rin siya kina Marian at Gabby, may TikTok dance sila, kanyang napasayaw na naka-upload din sa Tiktok.

Aktor, mabigat ang kamay sa ex

Bothered kami sa napanood naming video ng former couple na inambahan ng aktor ang ex-girlfriend dahil hindi nito nagustuhan ang suot na gown ng ex na kita ang cleavage. Kahit alam na may camera na nakatutok sa kanila at marami ang nakatingin sa kanila, hindi nagpapigil ang aktor.

Noong una, parang pinagalitan lang ng aktor ang aktres at maya-maya, lumapit na closed ang fist at kulang na lang saktan ang aktres. Nagulat ang mga nakapanood sa video na ngayon lang lumabas dahil hindi nila akalaing may off na ugali ang aktor. Paano na lang daw kung walang ibang tao, baka nasaktan niya ang aktres.

Makikita sa video na tiningnan na lang ng aktres ang aktor, nakangiti siya, pero ramdam na may takot na baka nga totohanin ng aktor ang pananakit sa kanya. May kasama ring hiya ang aktres sa inugali ng aktor dahil may mga nakakita.

Kasunod nito, may isa pang video na lumabas na kinagalitan ng aktor ang aktres dahil hindi ibinutones ng aktres ang suot na t-shirt. Makikitang isinara nito ang top button  na actually, wala namang nakita.

May rebuttal naman ang fans ng aktor, nakita raw ng kanilang fans na sinipa ng aktres ang aktor sa harutan nila. Sinipa rin daw ng aktres ang aktor dahil sa suot na skinny jeans o masikip na pantalon. Siguro naman, hindi masakit ang sipaan ng dalawa at sipang may lambing.

Kaya sabi ng casual fans, tama lang na naghiwalay ang ex-couple dahil parehong mapanakit. Lalo na ang aktor na sobra pala ang pagka-conservative at ultimong suot ng ex ay kailangang pumasa sa kanya.

vuukle comment

SARAH LAHBATI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with