^

Pang Movies

Heart, may pa-welcome kay Marian sa Alien...

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Heart, may pa-welcome kay Marian sa Alien...
Marian Rivera
STAR/File

Ikinatuwa ng Kapuso fans ang pagwe-welcome ni Heart Evangelista kay Marian Rivera sa GMA Primetime via My Guardian Alien na touchdown na this Monday, April 1, 8:50 p.m., after Black Rider. May kasamang pagko-congratulate ang message ni Heart kay Marian.

Siguradong nakangiti ang mga nakapanood ng video ni Heart: “Ma­dame Marian” si Marian at “GMA Primetime Queen.”

Sabi ni Heart, “It gives me so much pleasure to congratulate you Madame Marian because finally, after many, many years, you are back where you belong on GMA Primetime. From my part to yours, congratulations and welcome back Queen of Primetime. “

Masaya ang mga comment sa message niya na ito patungkol kay Marian at sa My Guardian Alien. Muli naming nabasa ang comment na “The world is hea­ling na talaga. Love it Queens.”

Nakakasiguro si Heart at ang fans nito na kapag siya naman ang gumawa ng series sa GMA 7, susuportahan din siya ni Marian.

Pero, kailan nga kaya magkakaroon ng time si Heart na muling gumawa ng series?

Sabagay, sa isang interview, nabanggit nito na ready na siya na muling magka-series at may mga concept na raw siyang naisip na ipi-pitch niya sa GMA.

Alden, nag-private plane para sa birthday ni Kathryn!

May mga naniwala pala na kasama ni Alden Richards si Maine Mendoza nang dumalo ang aktor sa birthday bash ni Kathryn Bernardo sa El Nido, Palawan. Si Maine raw ang girl na inakbayan ni Alden bilang pag-alalay at para patunayan, pinagtabi niya ang larawan ni Maine at ‘yung girl na inakbayan ni Alden na parehong nakatalikod.

Pero si Maymay Entrata raw ‘yun.

Saka bakit isasama ni Alden si Maine sa kanyang lakad? Siguradong hindi papayag si Arjo Atayde.

Anyway, ang tsika, para lang makadalo sa birthday party ni Kathryn, sa private plane sumakay si Alden at ang mga kasama nito. Hindi na raw siya nakahabol sa regular flight, kaya nag-private plane na lang.

Yasmien, walang kamot nang ipakita ang malaking tiyan

Ang makinis na tiyan ni Yasmien Kurdi ang pinuna ng netizens nang makita ang maternity photoshoot ng aktres. Wala raw siyang stretchmarks, may tumawag tuloy sa kanya na “Diyosang buntis.”

Hindi pa yata nare-reveal ang gender ng second baby nina Yasmien at asawang si Rey Soldevilla, kaya excited ang friends niyang malaman kung another baby girl o baby boy ba ang malapit na niyang isilang. Ang nababanggit palang ni Yasmien, Dragon baby ito.

Ang tagal din bago nasundan ang panganay nina Yasmien at Rey, dalagita na si Ayesha at makakatulong na ito para alagaan ang kapatid.

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with