^

Pang Movies

Ria, naunahan pa si Maine?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Ria, naunahan pa si Maine?!
Ria

Mukhang natatagalan man ang pagkakaroon ng apo ni Art Atayde sa kanyang anak na si Arjo at sa asawa nitong si Maine Mendoza may panibago siyang pag-asa.

Ikinasal na rin ang kanyang anak na si Ria sa actor na si Zanjoe Marudo, noong nakarang Sabado. Ang kasalan, na hindi naman talaga simple dahil marami rin silang celebrity guests ay pinangunahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte.

Matagal na rin namang mag-syota sina Ria at Zanjoe at last January pa nila inamin na sila ngang dalawa ay engaged na.

May nagbibiro pa ngang mukhang nagmadali sila para makapagpakasal na muna bago ang hinuhulaang “three days of darkness.”

Mas malaki ang chances na una pa nga silang magkaroon ng baby dahil mas may panahon sila sa isa’t isa.

Sa kaso nina Maine at Arjo, matindi rin ang oras ni Arjo dahil sa kanyang pagiging congressman bukod pa sa nag-aartista siya.

Si Maine naman ay busy din dahil bukod sa pagiging artista ay may mga negosyo pa siya.

At maganda ang timing ng kasal nila kasi weeks ago may kumakalat na tsismis na buntis na raw si Ria.

Eh ngayon kahit na anong tsismis pa ang gawin nila, balewala na dahil pakasal na silang dalawa.

Sunshine, hinuhulaang kayang gayahin si Vilma

Pinag-uusapan nila kung sakali raw kaya at maisipan na ni Ate Vi (Vilma Santos) na mag-retire sa pagiging aktres na sa palagay naman namin ay hindi mangyayari, sino raw kaya ang maaaring gumanap sa mga role na kanyang ginagawa.

Natanong na rin si Ate Vi ng ganyan pero ang tanong sa kanya kung sakali at may gagawa ng remake ng Tagos ng Dugo sino sa tingin niya ang artistang makagagagawa ng kanyang role.

Ang sagot ni Ate Vi, “marami naman tayong mahuhusay na artista na makakagawa niyan huwag na ninyo akong ipitin sa tanong na iyan,” sabi pa niya.

Marami nga sigurong maiisip na mga artista pero kami ang isang nakikita naming maaaring sumunod kay Ate Vi ay si Sunshine Cruz.

May magandang body of work din naman si Sunshine at maganda rin.

Hindi natin masasabi na sa pagdating ng panahon ay wala nang makagagawa ng roles na ginawa ni Ate Vi.

Alam naman ninyo si Ate Vi ang iniidolo ng maraming mga mas batang aktres sa ngayon kaya pinaghahandaan na rin nila ang roles na ginagawa niya. Ambisyon nila eh.

Aktres, supalpal sa DOM!

Akala raw ng sexy female star ay baliw na baliw na sa kanya ang DOM na ka-affair niya nang lihim.

Kasi open iyon sa pagbibigay ng pera sa kanya eh kaya sinubukan niya na utangan niya iyon ng P28 million na ibabayad daw niya sa binibili niyang condo at ang sabi pa niya babayaran din niya iyon oras na mabenta naman ang isa niyang lupa.

Nagmamadali lang daw siya na kailangang bayaran ang condo dahil baka makuha pa ng iba?

Eh wise rin ang DOM inutusan ang kanyang abogado na sila na ang bibili ng condo pero wala iyon sa pangalan ng female sexy star, maaari niyang tirahan ang condo pero ilalagay lang sa pangalan niya kung nabayaran na niya.

Nanlatang kulangot ang female sexy star, akala niya naka-jackpot na siya pero matalino pala ang lolo niya.

vuukle comment

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with