TV host, umaasenso ang kabuhayan ‘pag nag-a-abroad

Lagi raw nag-iiba ang lifestyle ng isang TV personality pagkakagaling sa bakasyon sa abroad.

Consistent daw ito everytime na aalis siya ng Pilipinas ayon kuwento ng isang katrabaho niya.

Pagbalik daw nito, level-up na ang lifestyle.

Single naman si TV personality kaya hindi na gaanong shocked ang mga tao na nakapaligid sa kanya.

Tulad daw nitong recent trip ni TV personality, brand new luxury car daw ang bagong nabili nito pagbalik ng Pilipinas.

Nag-Google pa kami ng presyo ng nasabing kotse at oo nga halos P7 million ito.

Or baka naman may investment sa ibang bansa ang nasabing TV personality kaya pagbalik niya iba na ang kotse.

Lagi raw ganun ito. Minsan naman daw mga luxury na bag and watches ang gamit na nito pagkagaling ng abroad.

Show comments