^

Pang Movies

Dating sexy star, ‘di kinakaya ang pangungulit ng character actor!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Kinukulit ng isang male character actor na sumikat noong ‘90s ang isang female sexy star turned dramatic actress dahil crush na niya ang huli noong kabataan niya.

Hindi naman siya pinapatulan ni girl dahil may asawa na siya. Pero matapos maging open na crush siya ng character actor, panay na ang tanong kung ano ang paborito niyang kainin.

Nung hindi na kinakaya ng aktres ang kakulitan ni character actor, sinabihan ng aktres ang kasama nila sa series na tumigil na!

Tumigil naman siya ng ilang araw pero bumalik uli ang pangungulit kay aktres! Eh para matigil na ang aktor, hayun, kinausap na siya ng asawa ng aktres upang tigilan ang pangungulit sa asawa, huh!

Eh ayon sa kakilala ng aktres, kapag nambuwisit uli sa kanya si character actor eh, tatarayan na niya ito kahit hindi ganoon ang image ng aktres, huh!

Bitoy, umayaw maging co-host ng Showtime!

Nililigawan pala si Michael V. na maging bahagi ng It’s Showtime kung matutuloy ang balitang ito ang ipapalit sa Tahanang Pinakamasaya.

Pero ayon sa source namin, tumanggi raw si Bitoy. Nirerespeto raw niya sina Tito, Vic and Joey dahil naging bahagi rin siya ng Eat Bulaga noon.

Habang dumaraan ang mga araw, nagiging exciting tuloy ang balitang lipatan dahil muling magtatapat sa noontime show ‘pag nagkataon ang Eat Bulaga at It’s Showtime na dati nang nagbakbakan sa tanghali, huh!

vuukle comment

ACTRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with