Barbie, nagkuripot kay Taylor Swift

Barbie Forteza

Marami siguro ang nagtaka kung bakit kahit certified Swiftie ang Kapuso actress na si Barbie Forteza ay mas pinili niyang hindi manood ng Eras Tour ni Taylor Swift sa ibang bansa.

Kaya naman ipinaliwanag niya na pakiramdam niya ay splurge na iyon para sa kanya.

Manonood naman daw siya ng concert ng iniidolo kung magpe-perform ito sa bansa natin pero kung gagastos pa raw siya para sa flight, accommodation at iba pa ay sobra-sobra na raw lalo pa raw at katatapos lang niyang magpagawa ng bahay.

Mas pipiliin daw niyang gastusin na lamang iyon sa ibang bagay dahil sigurado naman daw na magpe-perform ulit ito sa Pilipinas.

Maaalalang kamakailan at naging emosyonal ang karelasyon ni Jak Roberto matapos siyang bigyan ng pasalubong ng kaibigang si Rain ­Matienzo nang manood ito ng concert ni Taylor sa Australia.

Sobra raw siyang na-touch sa effort ng kaibigan dahil hindi raw biro ang haba ng pila sa pagbili ng merch at ‘yung friendship bracelet din na binigay sa kanya ang nagparamdam sa kanya na parang nandun din siya sa venue.

Kahanga-hanga ang pagiging praktikal ng aktres na hindi niya kailangang makipagsabayan sa mga kaibigan kahit pa gustung-gusto niyang makita ang idolo. Bongga.

 

 

Show comments