^

Pang Movies

Netizens super react… Pia, kamukha na ni Heart

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Netizens super react� Pia, kamukha na ni Heart
Heart at Pia

Usap-usapan ngayon sa showbiz na magkamukha na sina Heart Evangelista at Pia Wurtzbach. Sa mga larawan at videos na ipino-post nga raw lately ni Miss Universe 2015 sa kanyang Instagram, kapansin-pansin daw ang malaking pagkakahawig ng dalawa.

Tiningnan nga namin ang IG posts ni Pia at totoo nga ang tsismis. Sa unang tingin sa kanya ay aakalain mong siya si Heart.

Well, hindi naman kataka-takang magkahawig sila dahil ang dating glam team nga ni Heart ay na kay Pia na ngayon kaya siyempre, same makeup and style ang ginagawa nila sa beauty queen although sa totoo lang, pwede namang ibahin kung gugustuhin niya.

Tsinek din namin ang reels and videos ni Pia ng pagdalo niya sa fashion events at kapansin-pansin din na parang kahawig din ng mga ginagawang content ni Heart.

Intentional ba na ginagaya niya ang aktres?

Heart recently attended the Fendi Women’s Fall/Winter 2024 show in Milan, Italy na dinaluhan din ni Pia.

Sarah, nagsalita sa sitwasyon nila ni Richard!

Finally ay nagsalita na si Sarah Lahbati sa sitwasyon nila ng asawang si Richard Gutierrez at sa mga isyung kinakaharap ngayon.

Sa panayam ni MJ Marfori, natanong ang comebacking actress kung co-parenting ba sila ni Chard sa mga bata at sagot naman ni Sarah, “yeah.”

Natanong din kung kumusta ang sitwasyon nila, and she said, “Well, of course, it’s not ideal for the children – let’s go back to the kids. But that’s life and they’ll be fine.”

Asked kung nag-uusap ba sila ni Richard, sagot ng aktres, “no.”

As parents ay maayos naman daw ang co-parenting setup nila ni Chard.

“We’re good at parenting and we have… you know we are there for the kids. That’s all I’m gonna say,” ani Sarah.

Napag-usapan nga rin nila ang tungkol sa bashers na nagkokomento ng tungkol sa ‘pagwawaldas’ niya ng pera. Ayon kay Sarah ay natatawa na nga lang daw siya.

“We have to think, take things lightly ‘di ba or else, puputi buhok natin and hindi tayo magiging happy. So natutuwa ako sa lahat ng mga tumatawag sa akin ng Patron Saint of Waldas, as in natatawa ako. Every day may comment about it, so sinakyan ko ng konti naman,” natatawang sey ng estranged wife ni Richard.

Pero ang totoo, ani Sarah ay magaling daw siyang humawak ng pera.

“I’m very proud to say that I’m good at saving, I’m good at finances. I’m working hard to provide for my children and for myself, and my parents and helping my mom and my dad. So, I think I’m very good at sa­ving and handling my finances,” she said.

vuukle comment

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with