^

Pang Movies

Dating bold actor, nagpanggap na naaksidente para magkapera

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Noong isang araw, sigurado kaming hindi lang kami kundi ganoon din ang iba pa niyang mga kakilala sa industriya ay pinadalhan din ng text message ng isang dating sikat na male bold star. Diumano, binangga raw siya at tinakbuhan ng nakabangga sa kanya, nanghihingi siya ng pera “Kahit na magkano, pambili lang daw siya ng gamot.”

May ipinakita pa siyang video ng isang paang may sugat at nagdurugo, pero paa lang ang nakita, hindi ka nga sigurado na paa niya iyon.

Ilang araw din iyong paulit-ulit siya sa panghihingi ng pera at ipadala na lang daw sa kanyang GCash.

Noong nakaraang taon, ganyan din ang drama niya.

Una, nakakalabas-labas pa rin naman siya sa TV, pambili man lang ba ng bigas ay wala siya? At saka bakit hindi siya lumapit sa Mowelfund? O sa mga opisyal ng gobyerno na  na makakatulong sa kanya?

Bakit siya nanghihingi sa mga taga-showbiz kahit na hindi naman niya kakilala? 

Vice, ‘di nagsising tumanggi sa maliit na TF!

Inamin ni Vice Ganda na minsan ay nawalan siya ng isang show at nainis sa kanya ang ibang talents na nadamay dahil sa kamalditahan niya. Pero pinakinggan namin ang kanyang katuwiran at parang tama naman siya.

Nagtanong naman daw kasi sa kanya kung magkano ang singil niya sa isang show, sinabi niya raw na P15k.

Noon pa ‘yun ha.

Sa panahong ito hindi mo na makukuha si Vice kahit na doble pa noon.

Pero sa totoo lang inamin din niyang nanghinayang siya kasi nga naman kita na hindi pa natuloy. Pero naisip din daw niya na kung pumayag siya, nasaan na siya ngayon baka binabarat-barat pa rin siya.

Totoo, hindi talaga maaaring tawaran ang talent ng isang artista. Kung gusto ninyong makatipid lalo na ngayong uso na naman ang mga pistahan kumuha kayo ng maliliit na artista, pero kung ang kukunin ninyo ay mga sikat talaga humanda kayong magbayad nang mahal.

Dennis, may bagong karelasyon

Hiwalay na pala si Dennis Padilla sa naging live-in partner niya pagkatapos nila ni Marjorie Barretto. May mga anak din si Dennis sa babae, pero sustentado naman daw niya ang mga iyon.

Hindi naman talaga pabayang tatay si Dennis, siguro nga lang noon kaya hindi niya nabigyan ng sustento ang mga anak niya kay Marjorie ay dahil wala siyang trabaho noon. Kung mayroon iyan, hindi niya pagdaramutan ang kanyang mga anak.

Pero masama ang naging epekto noon, lumabas sa mga anak niya na hindi niya sila sinustentuhan natanim sa isip nila ang pagkukulang ni Dennis, kaya sila pa ang nagpetisyon sa korte na palitan na ang kanilang apelyido at gawin nang Barretto, sa halip na Baldivia.

Hanggang ngayon malaki pa rin ang gap niya sa mga anak niya kay Marjorie. Pero kamakailan ay masayang-masaya siya nang batiin siya ni Julia nung birthday niya.

Tingnan nga ninyo sinasabi niyang masaksihan lamang niya ang kasal ng kanyang anak na si Julia, kahit na hindi pa siya ang maghatid doon sa altar masaya na siya.

Pero iimbitahan ba siya?

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with