^

Pang Movies

Mariel, ginamit si Regine para ilihis ang isyu ng drip sa Senado?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Mariel, ginamit si Regine para ilihis ang isyu ng drip sa Senado?!
Regine at Robin

May kasalanan na naman sa publiko si Mariel Rodriguez at ito ay nang i-post ang matagal ng video nina Sen. Robin Padilla at Regine Velasquez na nag-kiss sa national TV habang nagpu-promote ng movie nila.

Ayon kay Mariel, tinag lang sa kanya ang video at mas marami pa raw ang nag-tag sa kanya ng video nina Robin at Regine, mas marami pa sa nag-tag sa controversial IV drip niya.

Sabi niya, “Oh ayan masaya na kayo? Ako na nag-share... happy? Happy na ba lahat? Tag ko din si kuya Ogie Alcasid kasi dalawa kami tag niyo. YEHEY!!!”

Hindi nagustuhan ng ibang netizens ang ginawa niya, wala raw siyang respeto kina Regine at Ogie Alcasid. Sana raw, hindi na niya tinag si Ogie at hindi na niya ni-repost, lalo na at hindi pa sila mag-asawa ni Robin nang magtambal sa pelikula ang mga ito. Saka, bakit daw niya idinamay si Ogie?

May mga naniniwala namang gusto lang ilihis ni Mariel sa IV drip ang isyu ang pagpo-post sa video nila. Mayroon namang ayaw maniwalang marami ang nag-tag sa kanya ng video at para raw maniwala sila, i-screenshot niya, saka i-post.

Ang reaction ni Robin sa bagong isyu kay Mariel ay “Naku nakarating na sa pulis. Puede kaya sa presinto na ako magpaliwanag.”

Solenn, ninakawan ng pusa!

Nawala ang pet cat nina Solenn Heussaff na si Gato, kaya may panawagan ito sa sinumang nakakita o kumuha sa cat.

“Hi everyone, my cat Negroni aka ‘Gato’ has been missing. I believe he was stolen as he like to roam around. But he usually comes back. If anyone tries to sell him to you please dm me.”

Sa Instagram story nanawagan si Solenn at sabi ng netizens, sana raw sa X (formerly Twitter) o kaya sa Facebook at sa IG mismo nanawagan si Solenn dahil ang IG story, mabilis nawawala.

Netizens, naka-move on na kina Dominic at Bea  

May bagong endorsement si Dominic Roque na isang international cosmetics and beauty skincare.

Sa isa pang post, ang hair grower na produkto ang pinost ni Dominic at sa Instagram account ng kumpanya, marami pa silang beauty products.

Napansin namin na wala nang masyadong nagbabanggit ng pangalan ni Bea Alonzo sa IG ni Dominic at ito ay kahit naka-open ang comment section nito.

Mukhang, hindi lang sila ang naka-move on sa nangyari sa kanilang relasyon, pati ang kanilang fans at netizens.

vuukle comment

MARIEL RODRIGUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with