^

Pang Movies

Showbiz engagements, may sumpa! Sino ang susunod kina Bea/Dominic; Sam at Catriona? Ria at Zanjoe, ‘wag naman sana

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Showbiz engagements, may sumpa! Sino ang susunod kina Bea/Dominic; Sam at Catriona? Ria at Zanjoe, ‘wag naman sana
Dominic Roque at Bea Alonzo

Wala na ring assurance na porke’t engaged na kayo ay sa simbahan na talaga ang tuloy.

Ganito ang nangyari kina Dominic Roque and Bea Alonzo, ngayon naman parang ganun din ang kakahinatnanan ng engagement nina Sam Milby at Catriona Gray.

Imagine parang may agreement na kayong ikasal, tapos may problema pala?

Early February nang pumutok ang isyu na hindi na tuloy ang kasal nina Sam and Catriona, pagkatapos na pagkatapos ng breakup nina Dominic Roque and Bea Alonzo.

Na-engaged sila last February 2023 “I (FINALLY) put a ring on it!  I love you my forever koala... now my fiancé” post noon ni Sam.

Mabilis namang nag-trending kahapon si Catriona.

Nanatili naman silang tahimik sa kung anumang inaayos nilang problema.

Nang huli naming makita si Sam sa Chinese New Year celebration ng ini-endorse niyang product, ang Beautederm,  hindi siya nagpa-interview.

Umiwas siya sa mga andung entertainment press.

Pero ‘wag naman sanang sumunod sa kanila sina Zanjoe Marudo and Ria Atayde na kamakailan lang nag-announce ng engagement.

Pero ang kaibahan ngayon, inaprubahan na ng Senado ang Senate Bill No. 2443, o Dissolution of Marriage Act  na pinirmahan ng siyam na senador na mag-aaprub para maging batas na ang divorce sa Pilipinas.

Kaya kahit ikasal, pwede na ring maghiwaly na hindi kailangang pahirapan ang usapan sa korte.

ABS-CBN, gagawin nang condo-mall?!

Tigas ng pagtanggi ng ABS-CBN na nag-a-apply sila ng magkaroon ulit ng franchise.

Sinabi ng ABS-CBN sa isang statement na nag-dispose na sila ng mga asset sa iba’t ibang broadcasting network pagkatapos nilang tumigil sa operasyon bilang isang broadcasting company.

Hindi-hindi raw totoo na nag-a-apply sila para sa isang bagong prangkisa at wala rin itong balak na bilhin ulit ang alinman sa mga asset na ibinenta nila.

Kasaluyang nagre-recruit ang News department nila ng mga bagong reporter kaya may mga nagdududang babalik talaga sila sa ere dahil diumano sila na ang mamamahala ng Advanced Media Broadcasting System (AMBS) na nakakuha ng frequency ng Channel 2.

Ayaw na diumanong maglabas ng pera ng AMBS (Villar Group) kaya sa iba na ito ipapa-operate.

Ayon din sa usap-usapan, gagawin nang Rockwell condo-mall ang kasalukuyang location ng ABS-CBN sa Mother Ignacia, Quezon City.

Ang lungkot kung totoo ‘yun.

Ryan Bang, yumayaman sa pagiging talent manager

May sariling management agency na rin pala si Ryan Bang.

In fact, majority diumano sa mga Korean star na endorser ng mga produkto sa bansa, ang management agency nito ang ka-deal.

Ito ay bukod pa sa mga restaurant business ni Ryan at ilang partners.

Pero hindi raw ang management group ni Ryan ang nag-represent kay Sandara Park sa endorsement nito sa San Miguel ayon sa isang ka-chat ko kahapon.

Kamp Kawayan, nangalahati na

Malapit ng mangalahati ang Kamp Kawayan ni Coach Bamboo dahil nakakuha siya ng walong young artists sa blind auditions ng The Voice Teens nitong nakaraang dalawang weekend.

Sumama kay Rockstar Royalty ang mga three-chair turners na sina Nicole Olivo (Laguna), Nathalie Lafuente (Bulacan), at Violette Sta. Cruz (Antipolo City) sa kanyang Kamp Kawayan.

Kasama rin sa kanyang team sina Kevin Mirasol (Manila), Laurence Dalisay (Batangas), Zara Bainigen (Rizal), Allain Gatdula (Tarlac), at Coffee Mapula (Pangasinan).

Nakuha rin ni Coach Martin Nievera ang three-chair turner na si Failene Malijan (Batangas), isang bulag na Gen Z artist na pinabilib ang mga coach sa kanyang audition. Kasama ni Martin ang mga teen singer na sina Andrea Julian (Rizal), Cards Españo (Quezon), Colline Salazar (Las Piñas), at Thor Valiente (Quezon City).

Bumisita rin sa show ang veteran singers na sina Regine Velasquez, Ogie Alcasid, at Pops Fernandez upang tulungan si Martin na mangumbinsi ng mga artist.

Samantala, ang Team Supreme ni Coach KZ Tandingan ay binubuo ng teen singers na sina Hope Sebial (Cebu) at Angelica Palisoc (Pangasinan).

Nakakuha ang The Voice Teens ng 189, 302 views (Sabado) at 185, 820 views (Linggo) sa unang linggo at 182, 390 views (Sabado) at 183, 646 views (Linggo) sa sumunod na linggo nito na napanood sa Facebook at YouTube channel ng Kapamilya Online Live at The Voice Teens Philippines at iWantTFC.

Isa sa pinakamatagumpay na talent-reality show ng ABS-CBN ang The Voice na nakadiskubre at gumabay sa mga nangangarap na mang-aawit mula sa iba’t ibang edition at season ng programa na ngayon ay gumagawa na ng sarili nilang marka sa industriya.

Sino kaya ang mga Gen Z singers na makakasama sa Kamp Kawayan, Team Supreme, at MarTeam?

Alamin sa The Voice Teens tuwing Sabado at Linggo sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, at TV5.

vuukle comment

DOMINIC ROQUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with