^

Pang Movies

Lovi, laba-luto ‘pag kasama ang mister

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Lovi, laba-luto �pag kasama ang mister
Lovi at Monty

Dalawang araw na ipinagluksa ni Lovi Poe ang aso niyang si Phoebe, ang aso niya for 17 years, na hinintay siya upang ipikit ang mga mata.

Umiyak si Lovi habang kinukuwento ang kapalaran ni Phoebe na upang bigyang-pugay sa huling pagsasama nila. Take note, kinailangang putulin ni Lovi ang kanyang pananatili sa Amerika upang makasama ang aso.

Pero sa pagbalik niya sa bansa, ginusto ni Lovi na makasama ang ilang press na naging bahagi ng buhay niya.

Isa sa ginawa ni Lovi habang nasa bansa ay dumalo sa Panagbenga Festival sa Baguio City kung saan may sarili siyang float ng SCD Skin Products. Sa May ang launching nito.

Pagbalik niya, tatapusin ni Lovi ang pelikulang Untamed ng Regal. Meron na rin siyang C’est Lovi Productions at kina-cast na ang kasama para sa movie nitong The Sacrifice under Jerrold Tarog.

Kung buhay reyna si Lovi sa Pinas, domesticated naman siya sa US kasama ang asawang si Monty kung saan naglalaba siya at isang maybahay ni Monty.

Katatapos lang ni Lovi mag-birthday at ang wish niya ay balance of life bilang isang celebrity at asawa. Eh ang pagbubuntis? “It will come. Marami pang commitments pero kung dumating, I’ll be ready,” pahayag ni Lovi.

Kuwintas ni Marian, ilalagay sa museum!

Bahagi na ng magiging museum ni Boss Toyo ang kuwintas na isinuot ni Marian Rivera sa Dyesebel.

Balitang binili na ni Boss Toyo ang kuwintas kaya mapapabilang na ito kasama ang casket na ginamit ni Dingdong Dantes sa Rewind.

Naku, hanggang sa museum, magkasama ang gamit nina Dong at Yan, huh!

vuukle comment

LOVI POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with