^

Pang Movies

Tom, inaming buo na ulit

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Tom, inaming buo na ulit
Tom Rodriguez

Pagkatapos ng mahabang pahinga sa showbiz, nagbabalik si Tom Rodriguez at aktibo na ulit siya sa social media.

Mas pinili raw muna nito ang tahimik at simpleng pamumuhay sa Amerika kasama ang kanyang pamilya sa Arizona. Ang dapat na dalawang linggo lang na bakasyon ay nauwi sa dalawang taon. “Two weeks lang dapat ako nando’n. Nawili rin ako. Long story short, I really had to take time to really recover and now, I do feel na buo na ako ulit. Nawili rin ako na when I started taking on responsibilities for myself, maintaining the household, learning to cook, learning to do laundry, mag-grocery, couponing, all that stuff. Na-enjoy ko,” sey niya sa naging back-to-basic na pamumuhay doon.

Sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas, naghahanda si Tom sa kanyang pagbabalik sa teatro para sa concert version ng Ibarra: The Musical, na ilalabas sa second quarter ng 2024.

“I’m glad na they offered me this role. I’ve been really yearning to be back into theater and napagbigyan uli,” sey ni Tom na na-miss ang mag-perform ng live sa teatro.

After niyang burahin ang mga dating pinost niya sa kanyang Instagram account, naninibago raw ulit si Tom sa pagbalik niya sa social media.

Ngayon ay puro muna selfies at videos niya ang naka-post sa kanyang IG account. Meron na rin daw siyang TikTok account.

“Medyo hindi pa ako sanay mag-social media uli. So I’ve been trying to force myself to go back. I’m on TikTok din, I’m starting to push myself out of my comfort zone kasi nakaka-spoil pala ‘yung wala. It’s nice rin to reconnect with the people. Kaya I’m trying to push myself to go out of my ermitanyo mode,” tawa pa ni Tom na nag-off-the-grid noong 2022 noong maghiwalay sila ng ex-wife na niya ngayon na si Carla Abellana.

Glenda at Jo, parang tunay na mag-ina!

Isa si Glenda Garcia sa hinahangaan ng mara­ming baguhang artista dahil sa pagiging professional nito at sa ilang taong experience nito bilang isang mahusay na artista.

Tumatak siya sa kontrabida roles niya sa mga teleserye tulad sa First Yaya at First Lady. Ngayon ay mabait ang role niya sa Lilet Matias: Attorney-At-Law.

“Sobrang grateful ako at binigay sa akin ang role dito sa Lilet Matias. Ma-drama ang mga eksena namin ni Jo (Berry), pero may mga light moments din kami. Isa ito sa pinakamagandang serye na nagawa ko.”

Maganda raw ang naging chemistry nina Glenda at Jo.

Gaganap si Glenda bilang adoptive mother ni Lilet at habang nagte-taping daw sila ay ang turingan nilang dalawa ay parang tunay na mag-ina.

American rapper at record producer, kinasuhan ng pangmamanyak

Sinampahan ng bagong demanda ang American rapper and record producer na si Sean “Diddy” Combs ng sexual assault ng kanyang dating empleyado.

Nag-file noong nakaraang Feb. 26 ng lawsuit sa New York Federal Court si Rodney “Lil Rod” Jones laban kay Diddy. Ayon kay Jones, he was “sexually harrassed, drugged and his life threatened” by Diddy. He is seeking $30 million in damages.

Nagtrabaho si Jones kay Diddy bilang videographer at nag-produce siya ng nine songs sa bagong album ng rapper na may titulong Love from 2022 to 2023.

Kasama rin sa 73-page lawsuit ay ang anak ni Diddy na si Justin Combs, his chief of staff, Kristina Khorram, Universal Music Group CEO Sir Lucian Grainge and former Motown Records CEO Ethiopia Habtemariam.

Hawak din ni Jones ang ilang hours of footage and audio recordings bilang patunay sa illegal activities ni Diddy at ng kanyang staff tulad na lang sa pag-provide nito ng laced alcoholic beverages to minors and sex workers sa kanyang bahay sa California, New York, the US Virgin Islands, and Florida.

Pinabulaanan naman ng lawyers ni Diddy ang mga akusasyon na ito.

vuukle comment

TOM RODRIGUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with