^

Pang Movies

Heart, muntik masingitan sa Milan!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Heart, muntik masingitan sa Milan!
Heart Evangelista

Grabe naman ‘yung chikang muntik na diumanong masingitan ng ‘booking’ sa Milan Fashion Week si Heart Evangelista.

Ayon sa isang source ito ang pinanggalingan ng Instagram story ni Heart na “To all my fashion LOVES

“In fashion week :

“For clarify : I am not affiliated with any other person but @ataparis and @directiongroupinc. So if there is a party that says “she cannot make it”

“Kindly confirm with me or my representatives

“Thank you so much.”

Marami ngang nag-react sa nasabing story ni Heart.

Mas naging careful na diumano ang team ni Heart dahil nga may ibang nagre-represent sa kanya at nakukuha ang mga slot nito sa mga brand na invited siya.

Na nangayari nga raw sa recently concluded Milan Fashion Week. Sa Max Mara. May nag-advice diumano na hindi darating si Heart na hindi raw totoo dahil andun ito at rumampa.

Nangyari na raw ito sa Paris Fashion Week last year. Ang daming booking ni Heart na diumano’y nasulot ng iba last year.

Wow sa totoo lang ba’t kaya ang dami na ngayong Heart wannabe?

Gusto na ring rumampa-rampa sa mga fashion week.

Imagine umabot sa kasong Estafa ang pangako ng designer na si Albert Andrada sa Lord of Scents na si Joel Cruz.

Ito ay dahil sa napakong pangako ni Albert at ng socialite na si Becky Garcia na rarampa si Joel kasama ang walo niyang anak sa Paris Fashion Week base sa statement ni Joel sa korte.

Umabot daw sa P8 million ang lahat lahat na nagastos nito sa nasabing napakong pangako ng nasabing designer.

Pero kabaliktaran kay Heart dahil ang laki raw ng talent fee nito sa kanyang mga rampa sa mga fashion week sa Europe bilang isang sikat na fashion influencer.

Diego, nag-uwi ng ka-fling sa bahay ng kaibigan

Usap-usapan ngayon na diumano’y nag-uwi ng babae si Diego Loyzaga sa bahay ng kanyang kaibigan sa Amerika.

Buti raw kung girlfriend niya ito, pero parang ka-fling lang diumano ng actor ang binitbit na babae sa bahay ng isang mayamang Pinoy na nagpatira sa kanya sa Amerika for almost a month.

Walang napapabalitang showbiz girlfriend ang actor na may isang anak na, si Hailey na si Alexis Suapengco ang ina.

Coco, susunud-sunurin ang pasabog

Sunud-sunod ang pasabog ng mga primetime show ng ABS-CBN Studios sa pangunguna ng FPJ’s Batang Quiapo sa pagbubukas nito ng bagong kabanata para ipagdiwang ang unang anibersaryo ng programa.

Naglabas ng pasabog na trailer ang FPJ’s Batang Quiapo para sa bagong yugto ng serye kung saan tampok ang mga kaabang-abang na rebelasyon at mga panibagong karakter na makikilala ni Tanggol (Coco Martin) sa pagsisimula niya ng bagong buhay tulad nina Tessie Tomas, Jaime Fabregas, Nonie Buencamino, Malou Crisologo, Elijah Canlas, Ara Davao, Dan Alvaro, Renz Fernandez, at Yce Navarro.

Tuluy-tuloy din ang selebrasyon ng Batang Quiapo dahil pinangungunahan ni Coco ang cast sa pag-iikot nila sa iba’t ibang parte sa bansa para pasalamatan ang mga tumatangkilik at nagmamahal sa programa. Susunod naman silang susugod sa Baguio ngayong Marso 2. 

Korean movie na panlaban sa Oscars ng Korea, mapapanood na ng mga Pinoy

Wow napapanood na pala sa bansa ang Korean disaster thriller movie na Concrete Utopia - sa streaming paltform na Viu Philippines.

Ang nasabing pelikula ay kumita ng mahigit $28 million (?1,570,135,028.00), ang tinaguriang pang-apat na highest-grossing film sa South Korea noong 2023.

Ikinukuwento rito ang paghihirap ng mga taga-Seoul matapos ang napakalakas na lindol. Lahat ng mga gusali ay gumuho maliban sa Hwang Gung Apartments kung saan kabilang sa mga residente ang mag-asawang Min-sung (ginagampanan ni Park Seo-joon) at Myung-hwa (karakter ni Park Boo-young), at ang misteryosong si Yeong-tak (papel ni Lee Byung-Hun).

Nang dagsain ng mga tagalabas ang Huwang Gung Apartments upang humingi ng saklolo, kakailanganin ng mga nakatira rito na mamili: ang tulungan ang kapwa o ang iligtas ang kanilang sarili.

At mula pala nang ipalabas sa mga sinehan sa South Korea, umani nang tagumpay ang Concrete Utopia dahil sa suspense, drama at galing ng cast. Pinuri rin ito sa international filmfests gaya ng Toronto International Film Festival, Sitges International Film Festival, Hawaii International Film Festival, International Film Festival of India, at Kolkata International Film Festival.

Sa South Korea, nagkamit ito ng mga award, kabilang ang Best Film, Best Visual Effects, Best Art Director, Best Sound Editing at Best Actor para kay Lee Byung-hun at Best Support Supporting Actress para kay Kim Sun-young.

Higit pa rito, nagkaisa ang Korean Film Council na ipadala ang Concrete Utopia bilang official entry ng kanilang bansa sa Best International Feature Film category ng 2024 Oscars.

Ang Concrete Utopia ay streaming na sa Viu Premium, ang subscription-based streaming app ng Viu.

Ang pelikula ay mayroon ding Tagalog-dubbed version na mapapanood sa Viu Premium. 

vuukle comment

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with